Bagong album ni Mr. Fu koleksiyon ng mga sikat na kanta

MANILA, Philippines - WOW I LAHVEET ang bagong inilabas na album ng star DJ ng 103.5 Wow FM na si Mr. Fu.

 “Ito ang tiyak na pinakamalaki at mas magandang koleksiyon,” patungkol ni Mr. Fu sa kanyang album na nasa ilalim ng Sony Music Philippines. “At talagang bago at hi-tech ang original kong kantang Wow Megano’n,” dagdag niya.

Ipinagmamalaki sa bagong koleksiyong ito ang bihirang pagsasama-sama ng mga stars at ng mga hits na tulad ng If You’re Not Here By My Side ni Lea Salonga, Nandito Ako na bagong bersiyon nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, I’ll Have To Say I Love You in a Song nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, When I Met You nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, Itaktak Mo ni Joey de Leon at Kaleidoscope ni Francis M.

Dinadala rin ng album ang The Last Time I Felt Like This nina Ariel Rivera at Joanna Ampil na paborito ni Mr. Fu, How Can I Be Sure ni Agot Isidro at Beauty and Madness ni Aljur Abrenica. Kasama rin ang bagong band hits ng Sony na Gusto Ko Lang Ng Girlfriend ng Eevee at Baliw ng Kiss Jane.

“Sulit talaga…all hits para sa mga Wowits,” sabi pa ni Mr. Fu. “Ang album na ito ay magandang memento sa isang mabuting taon. Puno ng pakikibaka pero kumpleto ang kaligayahan at tagumpay. Iniaalay ko ito sa aking Dad na ginagabayan ako mula sa Taas.”

Show comments