^

PSN Showbiz

Kristine at iba pang PHR TV series, pinuno ng pag-ibig ang 2010

-

MANILA, Philippines - Buong taong umibig ang mga sumubaybay sa mga hit teleseryeng handog ng ABS-CBN na base sa popular pocketbook titles ng Precious Hearts Roman­ces tulad ng Martha Cecilia’s Kristine.  

Kung gaano kainit ang pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga pocketbook adaptation ng PHR Presents noong 2009 ay gayundin ang pagtanggap nila sa mga bagong adap­tasyon nitong 2010.

Patunay ang magagandang ratings ng mga PHR se­ries mula Impostor, Midnight Phantom, hanggang Aly­na at Kristine sa tagumpay ng ABS-CBN sa pagpapatibok ng puso ng mg Pinoy mapa-hapon man o gabi.

Ayon pa sa sinulat na review ni Janie Octia ng Yahoo Philippines kamakailan lang, isa ang success ng mga PHR series sa mga pinakamalaking istorya sa industriya ng TV sa Pilipinas ngayong taon dahil sa mga patok nitong kuwento na kinagat ng mga manonood.

Maski mga gumanap na artista rito ay bilib din sa kakaibang flavor na dala ng PHR series sa Philippine TV. Ani Rafael Rosell, ang bida sa Midnight Phantom at ngayon ay kasama rin sa Kristine, nasasalamin kasi ng PHR ang iba’t ibang emosyon ng isang tao.

“Like for Midnight Phantom, ipinakita ng PHR ‘yung dalawang pagkatao ni Brandon. His Midnight Phantom side, his mystery side, hooked the viewers to get to know him better. His Brandon side, revealed his real human emotions na makaka-relate naman ang viewers kasi ‘yung mga traits ni Brandon ay traits din ng totoong tao.”

Dagdag pa ni JM De Guzman, na tampok sa Alyna at Kristine : “Totoo ang emos­yon nila. Nararamdaman mo, nararamdaman ko, nararamdaman nating lahat ang mga pinagdadaanan nila.”

Nakakatulong din daw ayon kay Zanjoe Marudo, na isa rin sa mga bida ng Kristine, ang pagkakaroon ng dalawang audience ng PHR series - ‘yung mga followers ng PHR pocketbooks at ‘yung hindi pa nakakabasa ng mga ito - sa tagumpay nito.

“‘Yung followers, naiintriga sa kung paano ba isasalin sa telebisyon ang mga paborito nilang kuwento. Nakakadagdag din ng excitement kasi kahit nabasa mo na siya, may mga bagay pa rin na hindi mo mape-predict. Doon naman sa mga hindi pa nakakabasa, iba’t ibang kuwento ng pag-ibig ang sinusundan ng tao. Tulad sa Kristine, iba’t ibang love story ang tumatahi sa kuwento ng pinakamalaking angkan sa Paso De Blas.”

Ngunit ang pinakamalaking dahilan ng tagumpay nito, bukod sa magagandang kuwento na isinulat ng pinakamagagaling na romance novelists sa Pilipinas, ay ang husay ng mga taong bumubuo rito, mula writers, production staff at crew, cast, at directors.

Ilan lang sina Direk FM Reyes, Direk Cathy Garcia-Molina, at Direk Rory Quintos sa mga pamoso at respetadong director na humawak na sa PHR series.  

Si Jason Francisco, na kalalabas lang noon sa Pinoy Big Brother house ay unang nahasa sa Impostor, kung saan nakasama nila ng Big Winner na si Melai Cantiveros ang mga sikat na movie at TV stars na sina Sam Milby at Maja Salvador.

“Yung pagpasok ko kasi sa Impostor hindi ko ine-expect, hindi ko akalain na mangyayari. Hinding-hindi ko makakalimutan na napasabak ako sa isang malaki at magandang programa,” pahayag ni Jason, na sunod ay magbibida na rin sa isang PHR series kasama si Melai sa 2011.

Malaki rin ang pasasalamat ng baguhan sa TV na si JM sa PHR. “Sobrang dami na ng mga natutunan ko simula nang mabigyan ako ng mga projects sa PHR, at hanggang ngayon may mga natutunan pa ako bilang aktor at bilang tao.”

ANI RAFAEL ROSELL

BIG WINNER

DE GUZMAN

DIREK CATHY GARCIA-MOLINA

DIREK RORY QUINTOS

HIS BRANDON

KRISTINE

MIDNIGHT PHANTOM

PHR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with