TRUE : Pinag-iisipan ni Sen. Bong Revilla na gawing mala-Universal Studios ang nabili niyang property sa Rizal.
Meron daw siyang nabiling lupa sa naturang lalawigan nung nagsisimula pa lang siya sa showbiz kaya mura pa niyang nakuha ‘yun.
Ayon sa senador, 80 percent ng mga ginawa niyang pelikula ay kinunan sa Rizal - Daranak, Banlat at iba pang mga magagandang lugar sa naturang lalawigan.
Ang daming lugar daw sa Rizal na talagang napakinabangan nang husto ng movie industry dahil dito nga madalas ang taping at shooting.
Kaya mabuting ayusin daw ito at lalong pagandahin para mas maging madali at maayos sa mga gustong mag-shooting at mag-taping.
Pag-uusapan daw nila ng brother in law niyang si Gov. Junjun Ynares ang posibilidad sa binabalak niya.
TANONG : Seryoso na ba sina Arnelli Ignacio at Suzuki Sadatsugo sa kanilang relasyon?
Nung nakaraang Linggo sa finals ng Search for The Hotmen kung saan si Arnelli ang nag-host, bago nito nilandi ang mga nagaguwapuhang kandidato, nagpaalam muna ito kay Suzuki - huwag daw itong magagalit.
Lantaran na nga ba ang kanilang relasyon?
Ang latest ay may LQ daw sila ngayon?
TOTOO KAYANG isang kilalang designer daw ang nagkalat ng nude photo ni Ejay Falcon?
Nakausap namin ang manager ni Ejay na si Benjie Alipio at mariin niyang itinatangging si Ejay ang nasa litratong natutulog sa sofa na nakasilip ang kargada.
“Hindi po talaga siya iyun. Kamukha lang niya siguro ang kinunan na feeling ko ‘yang baklang designer na ‘yan ang nagkalat. Matagal nang may pagnanasa kay Ejay ang designer na ‘yan,” litanya ni Benjie.
Dati raw kasing katabing condo unit ni Ejay ang kinukuwento niyang designer at talagang type na type daw nito ang young actor. Hindi raw nagwagi si designer kay Ejay, kaya feeling daw niya kagagawan niya ito para siraan lang.
Hindi naman apektado si Ejay sa naturang isyu dahil matagal na raw iyun kumakalat. Ang ipinagtataka lang niya, bakit binuhay na naman daw ito.
TSIKA LANG : Nabigla si Cong. Lani Mercado sa tsikang crush ng anak niyang si Jolo Revilla si Kris Bernal.
Hindi pa nagkakakilala sina Jolo at Kris pero matagal na palang crush ng young actor si Kris pero wala raw chance na pormahan niya ito, at narinig nga niyang boyfriend na nito si Jay Perillo ng bandang Six Feet Long.
“Ngayon ko lang narinig yan ah! Wala akong kamalay-malay na may crush pala siya sa kabila kasi nakikita ko naman sa anak ko, sobrang nakabuhos ang oras sa trabaho niya bilang Barangay Captain at nagti-taping pa ito,” bulalas ni Cong. Lani.
“Tingin ko, wala munang panahon si Jolo sa lovelife kasi busy siya sa mga responsibilidad niya sa kanyang barangay. Sa Cavite na nga ‘yan nakatira eh,” dagdag pa niyang pahayag.
Siyanga pala, ang mag-asawang Sen. Bong at Cong. Lani ang ini-launch bilang bagong endorser ng M&Co. na line ng apparel.
Nagkaroon ito ng bonggang launching sa Manila Polo Club kamakalawa.