Cebuana nanalo sa Star Factor halos nahubaran na
It was my very first time to watch TV5’s Star Factor. It airs early Sunday afternoons eh, bonding day namin ‘yun ng apo ko.
Kaya nang imbitahan nila ako to cover the finals I did not say no. Una, magandang item ‘yun for my column. Second, I will get the chance to find out kung ano bang programa ‘yun.
One hundred percent ‘yung batting average ko sa pagpili ng winner. Napili ko ‘yung mananalo, from 1st to 4th. Bago nagsimula ang palabas, ang dami kong naririnig na ang mananalo was the 16 year old bet from Pampanga named Rich Alzul. Pero meron ding nagsabi na ang only male finalist from Bulacan na si Christian Samson would be it. True enough, nang makita ko siya on stage, sabi ko artistahin pala, kaya tinitilian ng marami. Sadly, kahit gaano siya kagaling na dancer, 10 sampera ang marunong sumayaw na Pilipino.
Ang hindi ko narinig na pangalan ay ‘yung sa dalawa pang finalists na mga babae, parehong taga-Cebu at pinakabata sa apat. Fourteen ang singer na si Morisette Amon at 15 naman si Eula Caballero. Exceptional ang pagkanta ni Morisette samantalang sa kanyang performance, ipinakita ni Eula ang talent niya sa pag-arte at pagsayaw. Sa sobrang concentration niya, hindi siya aware na halos nahuhubaran na siya. Kaming nasa audience ang natakot na baka magkaroon ng wardrobe malfunction. Sigurado ako na bilang isang Cebuana, magaling din siyang kumanta. ‘Yun ang pagkakamali ng tatlong tinalo niya, nag-concentrate lamang sila sa pagpapakita ng isang talent nila na ikinaungos sa kanila ni Eula at nagbigay dito ng championship.
It was a beautiful grand final presentation. Hindi na ako nagtaka dahil minutes before umere ang programa, nakita ko si Direktor Al Quinn, sigurado ako na siya ang may kinalaman sa napakagandang opening ng programa, at baka ang kabuuan na rin ng show.
Ang gaganda at guguwapo ng mga hosts na sina Ruffa Gutierrez, John Estrada, Richard Gomez at LucyTorres. Co-host din si Amy Perez pero sa opening at closing lamang siya lumabas, tapos parang hiyang-hiya pa siya.
Masusuwerte ang final four dahil malalaki at magagaling na artista ang mga nag-guest at nag-perform sa show -- Jay Durias, Jay Cayuca ang trumpet player na nagngangalang Francis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jose Manalo, Wally Bayola, Rainier Castillo, Rodjun Cruz, atbp.
For a 15 year old na tumigil sa kanyang pag-aaral sa high school to prepare for the contest, magaling sumagot sa tanong ng press si Eula. Ni minsan hindi siya na-rattle, hindi kinailangang saluhin ng bossing ng TV5 na si Perci Intalan who presented her to the media.
Hindi muna siya uuwi ng Cebu, dito muna sila hahanap ng mauupahang bahay ng kanyang pamilya para malapit lang sa kanyang trabaho na ibibigay ng TV5.
Kung papayag ang kanyang ama, kukumbinsihin niya itong huwag nang bumalik ng Qatar at magnegosyo na lang dito.
* * *
Sa pagkapanalo ni Akihiro Sato bilang unang Celebrity Sole Survivor ng Survivor Philippines, pinatunayan lamang niya na walang makakatalo sa isang malinis na laban. Marami ang hindi pumabor (kasama na ako) sa ginawang sabwatan nina Aubrey Miles at Ervic Vijandre.
Ngayon siguro, mari-realize na ng mga susunod na makukuhang Castaways (I’m sure marami pang kasunod ito) na ang Survivor is not all surviving at all cost.
Kailangang maka-survive ka ng walang sinasaktang iba, kung hindi man physically ay emotionally, of course.
- Latest