MANILA, Philippines - Namamayagpag pala sa Amerika ang isang laos na singer. Ang raket ay siya ang humaharang sa mga Pinoy producer doon.
Ito na raw kuno-kuno ang tumatayong producer samantalang wala naman siyang puhunang inilalabas.
Isang source ang nagbuking na ito ang naniningil sa Pinoy producer - let say $250,000 ang package ng isang grupo ng mga artistang magko-concert sa Amerika. Yup, $250,000 plus airfare, hotel accommodation, and food allowance.
So magdi-deposit daw ang produ. Pero nakapangalan daw ang tseke sa nasabing napagsawaan ng panahon na singer na tumatayo ngang broker lang.
One time raw nauna itong naningil ng $50,000 sa isang producer para sa isang show. Nakapangalan ang naunang bayad sa nasabing Pinay na nagrereyna-reynahan doon. After ng ilang days, naniningil na naman daw ito ng another $50,000 na nakapangalan sa grupo naman ng may concert. “So malinaw na sa kanya na ang naunang $50,000,” say ng isang source.
So hindi pa rin naman daw umaangal ang produ. Ang masakit lang daw, pagdating ng mga artista, kinakawawa pa ng Pinay na ito ang mga financier nila dahil ni hindi ipinakikilala sa mga artistang kasama at ni walang acknowledgement.
Tapos sa poster at print ads, gusto pa nitong kasama ang kanyang pangalan.
“Kaya ang lumalabas na producer, siya na. Hindi na ang nagbayad ng $250,000. Kaya ang mga artista, ni hindi kilala ang mga nagdala sa kanila sa Amerika. Ganun kasaklap ang nangyayari ngayon sa mga produ na Pinoy sa Amerika. Kawawa talaga. Kaya tingnan mo bibihira na ang show sa Amerika lately,” kuwento ng source.