By this time, natanggap na marahil ng Kimeralds ang pasya ng pamunuan ng ABS-CBN na paghiwalayin muna ang mga kilalang loveteams at ipareha naman sila sa iba, para na rin sa kanilang kapakanan. Sigurado nang itatambal si Gerald Anderson sa bagong recruit ng network na si Jewel Mische sa isang action series.
Hindi lamang naman si Gerald ang bibigyan ng bagong kapareha. Sina Coco Martin at Maja Salvador ay pagtatapatin sa isang programa na magpapamalas ng kanilang kagalingan sa pag-arte. Si Kim Chiu naman ay nagsimula nang makatrabaho ang iba’t ibang kapareha sa Your Song Presents. Ganundin sina Jessy Mendiola at AJ Perez sa Sabel.
* * *
It was a most beautiful concert, ‘yung Peace Concert na tinampukan ni Timmy Cruz na itinaguyod ng Brahma Kumaris nung Sabado ng gabi bilang selebrasyon ng pagtatapos ng United Nation’s Decade of a Culture of Peace. It was made memorable by the fact na it was purely invitational, maayos, matahimik kaya damang-dama ‘yung kagandahan ng mga inawit ni Timmy.
Nakapanghihinayang na hindi ‘yun marinig ng maraming tao kaya kinukumbinse namin siya ni Letty Celi na muling lumabas sa TV. I’m sure marami na ang nakaka-miss sa kanya. Kung magaling siya nun, mas magaling siya ngayon. And the years have proved kinder to her dahil hindi mukhang nadagdagan ng kahit isang taon ang kanyang edad.
Timmy’s Peace concert has reminded me of Fr. Sonny Ramirez na sa loob ng mahigit sa 10 taon ay sinundan ko ang mga ibinibigay niyang retreat. Tulad ni Timmy, Fr. Sonny also uses music at mga simpleng sound effects para maipaabot sa tao ang salita ng Diyos. It was a most effective way.
Aside from her beautiful singing voice, napakagaling din niyang sumayaw at magsalita. Ang mga ito ang nagbibigay ng magandang kaibahan sa ibang mga concert na napapanood natin. Kapag nakapanood ka ng isang concert ni Timmy ay hahangarin mong makapanood pa ng uli. Hindi komersiyal ang kanyang mga kinakanta pero napakagaganda ng music and lyrics. Kaya naman pala ang daming naghahanap ng kanyang Up Timmystic! album na binubuo ng 16 na awitin na celebration of love and everything that is good and positive. Nagtaka ako kung bakit finalist lang ito sa isang award giving body at hindi winner gayung napakagaganda ng mga nilalaman ng album.
Naisip ko baka dahil hindi ito komersiyal?