May mga nagpo-protesta sa tagumpay ni Akihiro Sato sa Survivor Philippines : Celebrity Showdown. Hindi raw dapat nag-win si Akihiro dahil hindi ito Pilipino.
Wala nang magagawa ang mga nag-e-emote dahil si Akihiro ang idineklara na winner at mapapasakamay na niya ang tatlong milyong piso na premyo.
Mabilis maubos ang three million pesos. Sa rami ng mga balak pagkagastusan ni Aki, baka magkulang ang kanyang datung. May OPM pa yata siya na babalatuhan niya ang mga castaway. Mga iPad yata ang pangako ni Aki sa mga hindi nanalo.
Sunshine apektado
Hindi ko talaga matandaan ang tampo ni Sunshine Dizon sa Showbiz Central kaya idinaan namin sa biruan ang kanyang pag-e-emote na bukas ang Startalk para sa panig ng Showbiz Central.
Buntis si Sunshine kaya masyado siyang emosyonal at sensitive sa mga isyu na kinasasangkutan nila ng kanyang asawa. Hindi biro na namatay ang nasagasaan ng mister ni Sunshine kaya natural lang na maapektuhan siya.
Ipinagbabawal sa mga preggy ang malungkot at mamroblema dahil baka makaapekto ito sa kanilang mga ipinagbubuntis.
Execs ng TV5 puring-puri si Jasmine
Natuwa ako nang magpunta uli ako sa Novaliches studio ng TV5 noong Biyernes dahil nagkita-kita kami nina Mr. Bobby Barreiro at Atty. Ray Espinosa, ang presidente ng Kapatid network.
Dating connected sa GMA 7 si Boss Bob bago siya lumipat sa TV5. Matagal kaming hindi nagkita kaya natuwa ako nang magpang-abot kami nang dalawin ko si Shalani Soledad.
Hindi natagalan ang pakikipag-usap ko kina Boss Bobby at Atty. Espinosa dahil mukhang importante ang kanilang discussion pero narinig ko na puring-puri nila si Jasmine Curtis.
The who si Jasmine? Siya ang younger sister ni Anne na contract star na ng TV5 at makakapareha ni JC de Vera sa TV remake ng Ang Utol Kong Hoodlum. Sa biglang dinig, magkatunog ang mga name nina Jasmine Curtis at Yasmine Kurdi.
Sikat na thai actor ka-meeting ni Iza
Tila masusundan ang international movie ni Iza Calzado dahil may meeting siya kahapon sa Thai actor na si Ananda Everingham.
Sikat na artista sa Thailand si Ananda na bumisita sa ating bansa dahil siya ang special guest sa Cinemalaya 2010.
Kung umapir si Iza sa Hollywood version ng Sigaw, lumabas din si Ananda sa Hollywood version ng Shutter. Parehong mga horror movie ang Sigaw at ang Shutter. The Echo ang ginamit na title sa Hollywood version ng Sigaw.
Zsa Zsa feel na feel ang pagiging produ
Nakabibilib si Mang Dolphy dahil sa edad na 82, gumagawa pa siya ng pelikula. Si Mang Dolphy ang bida sa Father Jejemon at ito ang official entry ng RVQ Productions sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Hindi kumpleto ang MMFF kung walang entry si Mang Dolphy kaya natuwa ang kanyang fans dahil nakatapos siya ng isang pelikula.
Si Zsa Zsa Padilla ang namahala sa shooting ng Father Jejemon as in siya ang tumayo bilang produ. Huwag tayong magugulat kapag nakita natin si Zsa Zsa sa parada ng mga artista sa Roxas Boulevard sa December 24 dahil bahagi siya ng production.
Gimik at kadramahan ng sikat na showbiz personality pinagsawaan na
Nega na talaga ang image ng isang sikat na showbiz personality dahil marami ang nalungkot kesa natuwa nang i-press release niya na magiging active na uli siya sa showbiz.
Nasawa na kasi ang mga tao sa mga gimik at kadramahan ng showbiz personality. Mga gimik at kadramahan na hindi kinagat ng mga tao at nag-boomerang sa kanya.