Kahit kasisimula pa lamang ng tambalang JC de Vera at Danita Paner at kasalukuyan pang humahatak ng manonood sa Kapatid network ang programa nilang My Driver Sweet Lover, paghihiwalayin na sila.
Si JC ay ilulunsad nila bilang isang action star. At para sa pagbabago niya ng imahe, isa ring bagong leading lady ang kinuha para makatambal niya. Dumating kamakailan mula sa Australia ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmin Curtis. Agad ay isinalang ito sa isang dance number sa pa-Christmas party ng network para sa press.
Dahil mas bata pa kesa sa kanyang kapatid, Jasmin lacks the sensuality and sexiness that her ate Anne exude. Pero hindi siya pahuhuli kay Anne kung ganda ang pag-uusapan. She’s all praise sa kanyang ate sa ipinakikita nitong enthusiasm sa kanyang pag-join din sa showbiz. Hindi rin naman siya mag-aartista kung hindi siya nito in-encourage.
Aware siya na may ka-loveteam ang kanyang magiging leading man sa isa sa mga seryeng tumatakbo sa network pero work ang hanap niya at hindi romansa kaya walang dapat ikatakot si Danita sa kanilang pansamantalang paghihiwalay ni JC.
***
Masaya ‘yung Kapamilya Krismas ng ABS- CBN para sa press.
Maraming pakontes na puwedeng salihan, tulad ng Star of the Night na na-miss kong salihan although I came prepared because kasali ako sa finale number with some colleagues from the print media at staff ng PR Communications headed by Bong Osorio.
Ang gandang bonding between the media practitioners at ng mga nasa likod ng PR Communications ng isa sa pinakamalaking TV networks sa bansa
Wala man si Mr. Gaby Lopez, andun naman at naki-party sina Misses Charo Santos Concio and Cory Vidanes at Deo Endrinal.
Mayroon pakontes para sa Theme Song ng Buhay Ko na sinalihan ko rin. Late na nang ma-realize ko na mas pumapatok ‘yung mga story na may tragic or sad endings kesa sa happy ending ng buhay ko.
Sana, ganun lahat ng Christmas party. ‘Di lang dumadating ang mga bigwigs ng kumpanya, makiki-party din sila, nakikipagkuwentuhan kahit na sa pina-kabagong miyembro ng media.
‘Yung ganung pakikitungo ay nagbibigay ng feeling of confidence at belongingness sa amin. Salamat muli, ABS-CBN.
***
Nagpapa-TY din ako sa mag-asawang Gov. ER and Mayor Maita Ejercito ng Laguna at Pagsanjan. Wala silang pinili, lahat ng media sa movies, print, TV at radio ay inimbitang lahat sa isang masaganang tanghalian at bonggang pa-raffle.
Ang katangi-tangi sa mag-asawang Ejercito ay isinama pa nila ang tatlo nilang naggugwapuhang anak na lalaki at ang nag-iisang babae para makatulong nila sa pag-aasikaso ng press, bukod pa sa pinangasiwaan ang party ni Jobert Sucaldito at ng staff nito.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pagiging isang public servant, may pelikula si Gob. ER sa MMFF, Si Agimat at Si Enteng Kabisote nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto na sabi niya ay isa na naman demonyo ang role niya, meaning kontrabida na naman siya.
Kung anong bad niya sa mga pelikula niya ay kabaliktaran naman ng magandang performance niya sa kanyang bayan sa Laguna.
***
Humingi na ng paumanhin si Tim Yap sa writer na sinabi niyang diumano’y lotto winner sa kanyang twitter. Itatampok ang kaganapang ito ngayong hapon sa Showbiz Central.
Makikilala rin ang multi-awarded young actor na idinemanda dahil sa diumano’y milyun-milyon niyang pagkakautang. Sino siya at anong dahilan ng malaking pangangailangan niya sa pera?
May up-date rin sa aksidente na kinasangkutan ng asawa ni Sunshine Dizon nang makabundol ito na humantong sa isang malagim na aksidente.