Naalala n’yo ba ang na-blind item naming Kapamilya actor na sabi’y lilipat daw sa GMA 7 at isang big project ang naghihintay sa kanya sa Channel 7? Kahit kami ay hindi naniwala sa posibilidad na maging Kapuso ang actor dahil hindi siya nawawalan ng show sa ABS-CBN.
Sabi ng isang kaibigan, kakikita lang niya sa actor sa ABS-CBN last week at mukhang at home na at home pa rin ito sa Kapamilya network, kaya malabong maging totoo ang tsika.
Pero narinig din namin na nagpa-set ng meeting sa papasok na linggo ang management ng actor sa GMA 7. Kung para saan ang meeting, hindi pa namin alam at aalamin namin.
Kung totoong isang malaking proyekto agad ang ibibigay sa actor sakaling totoong lilipat ito, feeling namin, lilikha ito ng ingay at intriga.
* * *
Bumalik sa ABS-CBN si Marvin Agustin sa presscon ng Ang Tanging Ina, Last na ‘To , kung saan, gumaganap siyang panganay sa mga anak ni Ina (AiAi delas Alas). Sa tanong na how does it feel to be back? “Hinahanap ko ang picture ko sa hallway,” ang sagot nito at dinugtungan ng “When I see the poster of the movie, ganu’n pala kabilis ang panahon, isang masayang pagsasama ang pelikula.”
Sa tanong ni AiAi kung babalik siya sa ABS-CBN kung pababalikin siya, ang sabi ni Marvin, may kontrata pa siya sa GMA 7 at loyal siya kung saan siya may trabaho. Tatakbo pa hanggang second week ng February 2011, ang Beauty Queen kung saan siya kasama.
* * *
Sabi ni Cesar Montano, top on the list na choice si Anne Curtis sa Viva Artist Agency contract star na makapareha niya sa gagawing love story na Sa Ngalan ng Pag-ibig dahil mala-anghel ang mukha na kailangan sa role na gagampanan sa movie.
Co-produced ng Viva Films at CM Films ni Cesar ang pelikula na ang actor din ang writer at director. Kinuwento ni Cesar ang istorya ng pelikula, kung saan tiyak na pagdedebatehan ng manonood kung sino sa kanila ni Anne ang patay na. Ayan, spoiler na ‘yan, ha!
May action movie rin silang gagawin ni Robin Padilla sa Viva Films sa June next year at susubukan nilang ibalik ang action movie. Gusto pa rin ni Cesar gawin ang Sakada na ang magiging co-writer niya ay writer ng The Great Raid.
“Interesado si Donald Martin to co-write the project, ang deal lang niya, i-line produce ko ang project niyang Getting to America na story ng Pinoy BF niya na kanyang naka-live in. Pumayag na rin ako dahil maganda rin ang story,” ani Cesar.
Hanggang next year na lang ang contract ni Cesar sa GMA 7 at kundi siya magre-renew, ang sitcom na Andres de Saya ang last project niya.
Pero bukas, mapapanood sila ni Sunshine Cruz sa Puso ng Pasko Artista Challenge na tutulong sa mga nangangailangan.
* * *
Ang dumaming shows sa TV5 ang sinabing rason ni Mr. Fu kung bakit nawala siya sa Tweetbiz ng Q Channel 11. Hindi na raw siya humirit na ma-retain sa show, ang request lang niya’y ‘wag palabasing siya ang umalis dahil ayaw niyang iwan ang show.
No regrets naman si Mr. Fu dahil ang kapalit ng Tweetbiz ay Wow! Megano’n, P.O.5 at Paparazzi. Tuloy pa rin siyang napakikinggan sa 103.5 Wow FM at ngayon ay may album pa under Sony Music, ang Wow I Lahveet.
Nasa album ang Nandito Ako nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, I’ll Have To Say I Love You In A Song nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Kaleidoscope World ni Francis M, Itaktak Mo ni Joey de Leon, ang title-track at marami pang iba.