GMA naniguro kay Regine
MANILA, Philippines – Pumirma na uli ng exclusive contract ang Asia’s songbird na si Regine Velasquez sa ilalim ng GMA Network Inc. kahapon. Dumalo sa contract signing sina (L-R) Lilybeth G. Rasonable, GMA VP for Drama; Gilberto R. Duavit, GMA President and Chief Operating Officer; Regine Velasquez; Atty. Felipe L. Gozon, GMA Chairman and Chief Executive Officer; at Cacai Velasquez, kapatid at manager ni Regine. Bukod sa kanyang wedding preparations, abala si Regine sa taping para sa kaniyang bagong primetime soap na pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes, ang I Heart U Pare na ipapalabas sa unang bahagi ng 2011.
- Latest