Maging big deal kaya ang pagkaka-appoint sa father Ogie Alcasid na si Mr. Herminio Alcasid Sr. as member of the board ng Philippine National Oil Company?
Kilalang masugid na supporter si Ogie ni Pangulong Noynoy Aquino noong panahon ng kampanya kaya siguradong gagawan ito ng intriga.
Tapos ninong pa si P-Noy sa kasalang Ogie-Regine Velasquez sa December 22. Kaibigang malapit din siyempre ni Kris si Ogie.
Pero ayon naman sa mga balita kahapon, qualified naman si Mr. Alcasid sa nasabing posisyon dahil isa itong abogado ayon kay Abigail Valte, Deputy Presidential Spokesperson.
Kung sabagay wala namang masama dahil open naman ang naging pagtulong ni Ogie sa kampanya last elections. Eh ano naman kung ‘magbayad’ siya ng utang?
* * *
Hindi na pala puwedeng pumunta sa mataong lugar, halimbawa sa mall ang comedy king na si Dolphy.
Hinahanap kasi siya ng marami sa opening ng 12th Cinemanila International Film Festival kung saan siya ang pinagkalooban ng Lifetime Achievement Award ngayong taon dahil sa kanyang malaking na-contribute at achievements sa showbiz.
Pero paliwanag ng anak niyang si Jeffrey Quizon na tumanggap ng award para sa kanyang daddy, pinayuhan daw ng kanyang doctor ang Comedy King na ‘wag pumunta sa crowded na lugar dahil baka kapitan na naman siya ng pneumonia. Naospital ang hari ng komedya nang magkaroon ng nasabing virus.
Pero sa Lunes ay may presscon si Mang Dolphy para sa pelikula niyang kasali sa Metro Manila Film Festival na Father Jejemon.
Puwede kaya siya sa ganung event?