Labi ni Bayani nagsugat sa laban ni Pacman
Three hours late ang mag-asawang ER at Maita Soriano sa Christmas party nila kahapon para sa entertainment press pero sulit ang paghihintay ng lahat dahil walang umuwing luhaan.
Gobernador ng Laguna province si ER at mayor ng bayan ng Pagsanjan ang kanyang misis na nag-artista rin noong araw.
Na-late ang mag-asawa at ang kanilang apat na anak dahil nanggaling pa sila sa Laguna. Over-acting ang traffic tuwing Biyernes, lalo na ngayon na papalapit na ang Pasko kaya naipit sa trapik ang Ejercito family.
Sako-sakong bigas, mga washing machine, television set, DVD player, refrigerator, at datung ang napanalunan ng mga reporter. Ang Christmas party ang pasasalamat nina ER at Maita sa press people na naging bahagi ng kanilang buhay at showbiz career.
* * *
Ikinuwento ni Maita na bilang mayor ng Pagsanjan, ipinagpapatuloy lamang niya ang magagandang proyekto ni ER para sa kanilang bayan.
Ngayong gobernador na ang kanyang mister, nadagdagan ang mga project ni Maita para sa Pagsanjan at sa mga residente nito.
Public servant na public servant na ang image nina Maita at ER nang humarap sila kahapon sa entertainment press. Hindi ako magugulat kung sumunod sa mga yapak ang mga anak nila dahil nasa kanilang dugo ang pagsisilbi sa bayan.
Kung nasaan man ngayon si George Estregan, siguradong proud na proud siya sa achievements ng kanyang anak at manugang. Mula nang mamatay si George noong 1999, si ER na ang tumayo bilang padre de pamilya.
* * *
Tatlong showbiz event ang pinuntahan ko kahapon, ang Christmas party ng mga Ejercito, ang album launch ng mga alaga ni Noel Ferrer at ang presscon para kay Cesar Montano.
Sina Bayani Agbayani, Mr. Fu, ang Sakto Boys na sina Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, at Lucky Mercado ang mga talent ni Noel na may mga CD album sa Sony Records.
Ang Sakto Boys ang front act sa promo concert tour ni David Archuleta noong November 17. Sing-and-dance sina Edgar, Rodjun, at Lucky kaya hindi nagdalawang-isip ang mga bossing ng Sony na bigyan sila ng sariling album.
Regular na napapanood ang Sakto sa P.O.5 ng TV5 tuwing Linggo.
* * *
Papagaling na ang mga sugat ni Bayani sa labi nang magkita kami kahapon sa album launch.
Nagkaroon ng sugat ang labi ni Bayani dahil sa sobrang lamig sa Arlington, Texas nang panoorin niya ang laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito.
Napagod si Bayani sa biyahe pero nag-enjoy siya, kahit parang probinsiya ang pinuntahan nila ng kanyang asawa at biyenan.
Ang promo ng album niya sa Sony Records ang pagkakaabalahan ni Bayani habang hinihintay nito ang pagsisimula ng taping ng sitcom nila ni Cesar Montano sa GMA 7.
* * *
Tuwang-tuwa ang mga reporter dahil sa paintings na ibinigay sa kanila ni Cesar Montano.
Matiyagang pinanood ng mga reporter ang pagpipinta ni Cesar sa water color paper. Balak sana ni Cesar na ipa-raffle ang paintings pero pinag-agawan ito ng mga reporter kaya napilitan siya na gumawa ng mga bago.
Very lucky ang mga reporter dahil nabigyan sila ng Cesar Montano paintings. Mahal ang paintings ni Cesar kung bibilhin ito sa kanyang mga exhibit.
- Latest