^

PSN Showbiz

Kahit nakapangasawa ng mayaman, Krista Ranillo gustong balikan ang showbiz

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Kuwento ni Dingdong Dantes, nagkita pala sa GMA 7 lobby sina Marian Rivera at Ervic Vijandre kamakailan lang.

Sey ng aktor, hindi naman daw nila masyadong pinag-usapan ang nasabing pagkikita ng dalawa kundi nabanggit lang ito ni Marian.

Nagkabatian naman daw ang dalawa pero sandali lang daw ‘yun at hindi naman nagkuwentuhan.

Inamin din ni Dingdong na nakita rin niya si Ervic sa Party Pilipinas last Sunday pero hindi raw nagkaroon ng pagkakataong magbatian sila.

Alam naman ni Dingdong na hindi malayong magkasalubong sila at magkabatian dahil nasa iisang network lang daw sila. Wala naman daw problema kung sakali.

Kahit si Ervic ay nagsabing okay lang sa kanya sakaling magkita sila ng BF ng ex GF niyang si Ma­rian. Hindi lang daw niya nabati sa PP si Dingdong nung Linggo dahil naalangan daw siyang lumapit at magpakilala. Mas ok daw kung sakaling magkasabay sila uli ay merong magpakilala sa kanila.

TANONG : Totoo kayang ang date ng kasalang Oyo Sotto at Kristine Hermosa ay sa January 11, 2011 na? Hindi ito itinanggi ni Vic Sotto nang humarap sa presscon ng filmfest entry nilang Si Agimat at si Enteng Kabisote na ginanap sa Anabel’s kamakalawa ng hapon.

Ang dagdag pang impormasyon, sa Batangas din gaganapin ang nasabing kasalan at very private daw ito kaya itatago nila ito sa media.

Iyun din ang gusto ni Bossing Vic dahil mas mabuting simple lang daw at para sa pamilya at mga malalapit na espesyal na kaibigan.

TOTOO KAYANG pagkatapos manganak ni Krista Ranillo ay babalikan nito ang showbiz?

Naikuwento ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria na nagkausap daw sila ng kontrobersiyal na aktres at totoo raw na gusto nitong bumalik sa pag-aartista.

Early next year daw ay uuwi rito si Krista kasama ang asawa niya para magkaroon ng church wedding dito.

Pag-uusapan din daw nila ang balak nitong pagbabalik sa showbiz pagkatapos nitong manganak at depende na rin sa mapagkakasunduan nilang mag-asawa.

TSIKA LANG : Magkasama sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana na dumating sa Christmas party ng PPL Entertainment Productions ni Perry Lansigan.

Ibig sabihin magkabati na ang magkasintahan at okay na sila.

Ipinaliwanag naman ni Geoff na kahit nagkaroon daw sila ng tampuhan, nandiyan pa rin daw ang komunikasyon nila sa isa’t isa.

Hindi na nila dinetalye kung paano sila nagkabati.

Magkasama sina Geoff at Carla sa bagong Christmas Artista Challenge na Puso ng Pasko na mapapanood sa GMA 7 simula sa Lunes kapalit ng Survivor Philippines Celebrity Showdown na magtatapos na mamayang gabi.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

BOSSING VIC

CARLA ABELLANA

CHRISTMAS ARTISTA CHALLENGE

DAW

DINGDONG DANTES

ENTENG KABISOTE

ENTERTAINMENT PRODUCTIONS

LANG

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with