Film Archive isinusulong ni Manay Gina

MANILA, Philippines - Pinalakpakan ng mga taga-industriya ng pelikula ang panukala ni Manay Gina de Venecia, tungkol sa pagtatayo ng film archive. Si Manay na ngayon ay congresswoman ng 4th district ng Pangasinan, ay anak ng pamosong star-builder na si Doc Perez, at ang kanilang Sampaguita Pictures ang natatanging film studio na naging bahagi ng una at ikalawang golden age ng pelikula noong dekada 50s at 70s.

Ang panukala ay ipinahayag sa nakaraang dinner na inorganisa ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pili­pino (NMPP) sa pa­­mumuno ni Joel Lamangan.

Show comments