Bigla na lang hindi ko na napanood ang Asar Talo Lahat Panalo nung isang araw ni Edu Manzano. Nawala naman pala. Ba’t bigla na lang yata? Ano ang nangyari sa itinuturing ko na isa sa pinakamagaling na aktor at game show host sa telebisyon?
I admit na medyo natagalan bago nakapag-adjust ang manonood sa bagong game show ng GMA 7. Tanggapin natin na kakaiba kasing game show ‘yun. Sabi nga ng ilan kong kakilala, ‘di sila pwede roon. Hindi nga raw sila pikon, pero ayaw nila ‘yung dini-distruct ang mga participants, lalo na kapag malaki na ang premyo.
Sana magkaroon agad ng ibang programa si Doods sa GMA. Sayang naman kung hindi magagamit ang kanyang talento.
* * *
Nakakatawa naman ‘yung trivia ni Jessica Soho sa kanyang programa sa TV, na kung saan ay sinabi niyang hindi pala nagba-bra si Regine Velasquez. Ngayon, baka maging conscious na si Regine kapag nagpi-perform siya dahil sigurado, pagmamasdan ng lahat kung totoo ang sinabi ni Jessica na hindi siya nagba-bra.
Isa lamang si Regine sa mga hindi nagsusuot ng personal na gamit na ito ng mga babae dahil nahihirapan daw siyang huminga.
Totoo ito dahil marami akong kilalang girls na ganito rin ang nararamdaman kapag naka-bra kaya they go braless.
* * *
Advantage sa Pilipinas Win na Win ‘yung pagkakausog ng oras ng programa. Mahirap nga namang kalaban ang Eat Bulaga. Sa bagong oras, mas malaki ang tsansa na mas tumaas pa ang rating ng show. At mas hahaba ang buhay ng programa.
Dapat lang nagri-rehearse ang mga Hitmakers para hindi sila nawawala sa mga numbers nila. At dapat nagi-experiment sila ng mga bagong segments, games para palaging maging interesting ang show. Bukod sa pera, ‘yung excitement, ‘yung mga sorpresa ang main staple ng PWNW.