MANILA, Philippines - Matataas na talahib, baku-bakong daan, at nagkalat na ahas ang hinarap ng reporter na si Dominic Almelor upang malaman kung saan nanggagaling ang pesteng tinatawag na balang ngayong Martes (Nobyembre 30) sa Patrol ng Pilipino sa ABS-CBN.
Sa kanyang pagpapatrol sa Fatima, General Santos City, makikita ni Almelor ang iniwang problema sa mga residente ng pag-atake ng balang o mga locusts. Sinira ng mga naturang peste ang kanilang mga pananim at hanap-buhay. Gayunpaman, nakahanap ang mga residente ng paraan upang kumita mula sa mga pesteng ito.
Samantala, mahaba man at kung minsa’y nakapapagod, ang mga pagdinig sa senado ay maaari ding magkaroon ng mga makukulay na pangyayari at mga sikreto na hindi kadalasang nakikita ng mga manonood mula sa mga balitang programa.
Ang ABS-CBN Senate Beat Reporter na si Ryan Chua ay saksi roon. Kasali sa trabaho ni Chua ay ang pag-upo sa mga pagdinig sa senado upang makakalap ng mga balitang mahalaga sa publiko.