MANILA, Philippines - Maaga ang Pasko sa Winter Funland sa Star City. Ano pa nga ba ang isa sa mga simbolo ng Pasko ever since kung ‘di ang snow. At natural na may snow sa Winter Funland buong isang taon.
Sa taong ito, hindi isang sleigh kundi sa isang ice train nakasakay si Santa Clause. Pero siyempre, hindi rin naman maaaring mawala ang kanyang mga famous reindeers lalo na ang sikat na si Rudolf na makikita rin ninyo sa naglalakihang ice carvings.
Bukod dito, masasabing may inspirasyon ng kuwentong pamaskong Nutcracker, mayroon din kayong makikitang isang ice castle, na siyempre ay binabantayan ng Nutcracker inspired na soldier.
Pinagkaguluhan agad ng mga bata ang panibagong winter display na pamasko, at siyempre excited din sila sa paggawa ng sarili nilang snowman at mga snowballs gamit ang mismong snow sa loob ng Winter Funland.
Patuloy pa ring dinadagsa ng mga tao ang napakalaking ice slide, na sinasabi nilang siyang pinakamalaking man made ice slide sa buong Asya ngayon.
Ang Winter Funland ay bukas araw-araw mula alas-kuwatro ng hapon kung karaniwang araw, at mula alas-dos ng hapon kung weekends.