Voice impersonator 'di na binalikan ang DZMM, Kapatid na

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit dalawampung taon sa DZMM, nagbabalik sa ere si Neil Ocampo sa himpilan ng radyo ng TV5, 92.3 NEWS FM (Hatid ng Radyo Singko).

Kilala sa voice impersonations ng mga newsmakers, nagpapatuloy ang komentaryo ni Neil Ocampo sa kanyang mahigit dalawang dekada sa radyo. “Nagpapasalamat ako sa mainit na pagtanggap ng Kapatid Network. Ito na ang bagong tunog ng serbisyo-publiko. Katuwang ang iba pang kasamahan sa trabaho, tuluy-tuloy na ang paghahatid ng mga balitang kailangan malaman ng publiko,” ayon pa sa kanya.

Napapakinggan tuwing Lunes-Biyernes, 9:00 a.m.- 8:00 a.m. sa 92.3 NEWS FM ang mga banat at balitang hatid ng bete­ranong anchor sa Todo Balita kasama ng kanyang mga ‘gabinete’ tulad nila ‘Mang Tonyo,’ ‘Tongressman Manhik Manaog’ at iba pang mga sikat na boses na tatak-Neil Ocampo.

Hinahatid din ng programa ang mga bagong segment na manggigising sa umaga - ang CNN : Commentary ni Neil, HBO: Hambalos Banat On-the-Spot, at Chika ni Lady Go-ga.

Ang 92.3 NEWS FM din ang bagong himpilan ng mga beterano sa industriya ng pamamahayag. Napapakinggan ang mga dating tagapaghatid-balita sa DZXL-RMN; kasama ni Cheryl Cosim si Erwin Tulfo sa Cosim-Tulfo : Punto Asintado tuwing 8:00 a.m. Pinangungunahan naman ni Rey Mercaral ang Balita Alas Singko sa Radyo Singko tuwing 5:00 a.m.; samantalang kabilang sa puwersa ng Radyo Singko reportorial team sina Jayvee Arcena, Rey Ferrer, Hannibal Talete at Roel Otieco.

Ang mga dating DZMM reporter na sina Leddy Tantoco at Izza Reniva-Cruz ang nakaupo sa pang-gabing pambalitaan ng 92.3 News FM, ang Intensity Singko (6:30 -7:00 p.m).

Naghahain naman ng maiinit na showbiz si Laila Chikadora katuwang si Benjie Felipe sa ShowBisto, 12:00 nn. Nag-eere na rin sa FM ang tambalan nina Raffy Tulfo at Niña Taduran sa Isyu tuwing 10:00 a.m.

Going back to Neil, hindi pinalad na manalo si Neil sa katatapos na eleksiyon at nang binabalikan niya ang trabaho sa DZMM, pang-madaling araw ang ibinibigay sa kanyang programa.

Doon pumasok ang offer ng 92.3 na hindi naman niya pinakawalan.

Show comments