MANILA, Philippines - Tampok sina Nyoy Volante, Jovit Baldivino, Glaiza de Castro, Kyla, at Luke Mejares bilang piling panauhin sa isang linggong pagtatanghal ng MBC National Choral Competition mula ika-6 hanggang ika-10 ng Disyembre sa Star Theater, Star City complex, Pasay City.
Ang patok na mga DJ ng 90.7 Love Radio na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper ang mangunguna sa palatuntunan gabi-gabi, sa pagsasagupa ng 44 sa pinakamagaling na mga chorale mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang magwawaging children’s choir ay tatanggap ng P100,000 samantalang P150,000 naman ang nakalaan sa magiging kampeyon sa open category.