Pagli-live in nina Regine at Ogie hindi na nakakagulat!

Seen : Dapat magpaawat si Ballsy Aquino-Cruz sa pagpapainterbyu tungkol sa lovelife ni P-Noy dahil nagsisimula nang hindi matuwa sa kanya ang mga tao. Presidente ng bansa ang kanyang kapatid at nasa legal age na ito para magsalita para sa sarili.

Scene : Inilipat na si William Martinez sa regular private room ng St. Luke’s Medical Center. Wala na siya sa ICU.

Seen : Si KC Concepcion sa Romulo Cafe noong Sabado ng gabi.

Scene : Pinipilahan pa sa mga sinehan ang My Amnesia Girl.

Seen : Ang fashion designer na si Cary Santiago ang gagawa sa wedding gown ni Kristine Hermosa. Ikakasal si Kristine kay Oyo Sotto sa January 2011 sa isang out-of-town location.

Scene : Reserved na ang tickets para sa concert ni Taylor Swift sa Araneta Coliseum sa February 19, 2011. General admission tickets (P528) na lamang ang available sa Big Dome box-office.

Seen : Mabilis mawala ang scent ng Hayden Perfume ni Hayden Kho, Jr.

Scene : Hindi nagulat ang mga tao sa ipinagtapat ni Regine Velasquez na live-in sila ni Ogie Alcasid dahil matagal na itong open secret sa showbiz.

Show comments