Singer/actress maraming sinisiraan?

TRUE : Inamin ni Carla Abellana na talagang may tampuhan pa rin sila ni Geoff Eigenmann hanggang ngayon pero hindi naman daw umabot sa break-up.

Totoong hindi raw sila nagkikibuan sa taping ng Puso ng Pasko Artista Challenge pero tinuloy pa rin daw nila ang dapat nilang gawin dahil trabaho naman daw iyun.

“We’re civil naman eh,” pahayag ni Carla.       

Ayaw niyang idetalye kung ano ang dahilan ng kanilang tampuhan, pero tingin naman daw niya, maaayos iyun at ginagawan naman daw nila ng paraan na magkaayos sila.

TANONG : Ano kaya ang reaksiyon ni Richard Gutierrez, ngayong kumpirmadong lumipat na si Jewel Mische sa ABS-CBN?

“I’m very happy for her and kung saan siya masaya, masaya rin ako,” sagot ng aktor.

Hindi naman daw nasira ang kanilang pagkakaibigan kahit break na sila at magkahiwalay na ng network. Ang wish lang ni Richard na lalong gumanda ang career ni Jewel ngayong isa na siyang Kapamilya talent.

TOTOO KAYANG nakakagulat ang pagmamaasim ng kilalang singer/actress na kahit ang ilang kaibigang mabait naman at walang ginagawa laban sa kanya ay sinisiraan pa nito?

Komento raw nitong nagmamaasim na singer/actress sa isa ring singer/actress : “Ang sama naman ng ugali ng babaeng iyan. Nagtataka nga ako kung bakit papakasalan iyan ng boyfriend niya!”

Pero todo-deny ito na ganun siya kaasim nung gabing iyun nang makasama niya ang nilalait na singer/actress sa isang malaking event.

Marami pa raw kamalditahang ginawa nung gabing iyun ang singer-actress, pero tiyak na idi-deny pa rin niya ito.

TSIKA LANG : Bukas na magsisimula, pagkatapos ng Survivor Philippines ang bagong Christmaserye ng GMA 7, ang Jillian : Namamasko Po.

Wala si Claudine Barretto sa presscon nito nung nakaraang Miyerkules. Sina Jillian Ward at si Wendell Ramos lang ang nandun.

Isang intrigang sinagot ni Wendell ay ang issue na na-offend daw si Gwen Zamora sa kanya nang aksidenteng nahalikan nito sa labi sa taping ng Bubble Gang.

Naging biruan lang naman daw nila iyun na dapat sa pisngi siya hahalikan ni Gwen pero bigla raw itong lumingon kaya tumama sa bibig niya.

Akala raw nito, nakuha ni Gwen na biruan lang iyun dahil madalas naman daw nilang ginagawa iyun sa taping. Hindi raw niya alam na na-offend pala ang baguhang aktres kaya humingi na lang ito ng sorry nang makapanayam namin sa presscon.

Show comments