May emotional attachment ako sa mga bagay na binibili ko kaya naka-feel ako ng sadness nang malaman ko na ibinebenta ni Papa Joseph Estrada ang bahay nila sa Polk Street, Greenhills.
Kung nakaramdam ako ng lungkot, si Papa Erap pa kaya at ang kanyang pamilya ang hindi malulungkot, lalo na ang mga anak niya na nagkaisip sa Polk St.
Ipinagbibili ni Papa Erap ang kanyang malaking bahay sa halagang P200-million dahil plano niya na lumipat sa isang condo building.
Huwag nating paniwalaan ang mga duda na baka naghihirap si Papa Erap kaya ibinebenta nito ang kanyang bahay. Never nang maghihirap si Papa Erap dahil richie-rich siya kahit sinasabi ng anak niyang si Senador Jinggoy Estrada na ibabayad ang mapagbibilhan sa mga utang ni Papa Erap.
* * *
Sa totoo lang, napaka-praktikal ng desisyon ni Papa Erap na lumipat sa isang condo building.
Naalala ko ang madalas na sabihin ni Douglas Quijano noong nabubuhay pa ito. Ang sey ni Dougs, maninirahan siya sa isang condo building kapag nag-retire siya sa showbiz.
Convenient para sa mga senior citizen ang tumira sa condo dahil hindi na sila mag-aakyat-panaog sa hagdan. May receptionist na puwedeng humarap o humarang sa mga gustong bumisita sa mga residente ng condo. May taga-tanggap ng sulat at kung anik-anik pa.
Naengganyo rin ako na manirahan sa condo dahil sa magagandang kuwento ni Dougs pero can’t afford ako na iwanan ang aking pet dogs. Bawal sa mga condo building ang mga aso. Saan ko patitirahin ang aking 30-plus pet dogs?
Parang tao rin ang aking mga alaga dahil every month eh nagpapagupit sila ng buhok, nagpapalinis ng mga kuko at kung anik-anik na kalandian.
* * *
Malaki pala ang tampo ng isang sikat na aktor sa kanyang mother studio kaya hindi siya nag-join sa shoot ng Station ID ng network.
May kinalaman yata sa natsuging show ng aktor ang ugat ng pagtatampo nito. Na-hurt ang aktor nang biglang patayin ng management ang kanyang show dahil sa poor ratings.
* * *
Umiral ang mga wala sa lugar na takot ng fans ni Congressman Manny Pacquiao nang i-unveil ang kanyang bronze statue.
Nagmalisya ang fans na baka matalo si Manny sa susunod na laban nito dahil natalo raw sa boxing si Oscar dela Hoya nang gawan ito ng rebulto sa Amerika.
Ikumpara ba si Manny kay Oscar eh magkaiba naman ang kanilang kapalaran? Si Manny nga ang tumalo kay Dela Hoya ‘noh!
Wala pang reaksiyon si Manny sa kanyang rebulto na ipinakita sa publiko noong Biyernes. Matutuwa ang kahit na sinong tao na nasa lugar ni Manny dahil malaking karangalan na igawa siya ng bronze statue.
Ka-level na niya sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pang mga bayani sa Pilipinas.