Vhong nagri-research para 'di malaos
MANILA, Philippines - Isa si Vhong Navarro sa tinitingala ngayon sa larangan ng pagpapatawa at sa kabila ng mga baguhang komedyante na nagsusulputan ngayon sa industriya, confident pa rin si Vhong na mananatili sa kanya ang kanyang titulong Prince of Comedy.
“Siguro naman sa 15 taon na itinagal ko sa industriya ay na-establish na ako. Marami na akong naipakita, marami na rin akong nagawa. Darating naman talaga sa point na may darating na bago at lilipas ka rin. Siguro, in 15 or 16 years, naipakita ko ang best ko sa mga ginagawa ko,” aniya. ?
Ayon pa kay Vhong, patuloy siyang nagre-research kung ano ang uso ngayon para hindi siya nahuhuli. “Nagre-research ako hindi ng ‘style’, kasi dapat may sarili kang timing. Hindi magandang mangopya, para kang pirata. Dapat updated ako sa mga bagay-bagay para hindi ako mapapag-iwanan,” dagdag niya.
Dahil sa kanyang di matatawarang talento kung kaya’t sobrang busy ng kanyang schedule linggu-linggo. Pero sa kabila nito, nagagawan pa rin ni Vhong na magkaroon ng oras at sa pamilya. “Hiningi ko talaga ‘yung Sunday na para sa akin at para sa pamilya ko. Usually, nanonood kami ng sine, namamasyal sa mall, naglalaro, at kung anu-ano pa.” ?
Isa sa pinagkakaabalahan ng host-actor ang kanyang pampamilyang primetime fantaserye na Kokey@Ako na patuloy na rumaratsada sa ratings.
Magagarang X’mas Tree tampok sa Life And Style
Kapag sumasapit ang Kapaskuha’y di lamang ang iba’t ibang hugis, kulay, at disenyong parol ang simbolismong nakagisnan ng mga Pinoy. Naniniwala ang marami na hindi makukumpleto ang pagdiriwang kung walang Christmas tree sa kanilang tahanan.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga’y itatampok ang bahay ng mga sikat na personalidad tulad ng TV host na si Tim Yap, Dr. Manny Calayan ng Calayan Medical and Surgical Center, perfume czar Joel Cruz at fashionista-socialite-interior designer Tessa Prieto-Valdes.
“Malalaman natin mula sa apat na kasapi sa rich and famous circle na ang pag-aayos ng bahay para sa Yuletide Season ay di naman kailangang bongga sa gastos. Ang mas mahalaga’y kung ano ang layunin sa kada disenyo at uri ng palamuti sa ating tahanan at kung paano mo maipapakita ang iyong talento, imahinasyon at pagiging artistiko sa ginagawa mo,” sabi ni Mader Ricky.
Muling magiging co-host ni Mader ang kontrabida at Survivor castaway na si Karen delos Reyes sa segment na Great Hair Day at ibang sayaw namang pampaliit ng katawan at pampabawas ng timbang ang ide-demonstrate ni Regine Tolentino sa Gandang Body.
Tutok lang lagi sa LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision dahil marami pang kaalamang Pamasko ang itatampok dito tuwing Linggo ng umaga.
- Latest