^

PSN Showbiz

Tambayan 101.9, magpapa-party sa unang birthday

-

MANILA, Philippines - Bago ipagdiwang ang Pasko ay ipagdiwang muna ang unang kaarawan ng   Tambayan 101.9 - at makisayaw sa isang dance party kasama ang inyong mga paboritong DJs na sina Cha-cha, Arnold Rei, Martin D, China Heart, Jack Melo, Charlie, Jasmin, Toni, at Billie.

Kasama rin sa event para pormal na ipakilala ng istasyon ang apat nitong bagong DJs na kinabibilangan ng duckilang tagapagdagdag ng ganda sa inyong umaga na si Ronald Duck; ang napaka-guwapo na si Carlo Santino; ang kikay na may kindat na makatulo laway na si Raki at ang nakakagigil sa ganda na si Bea.

Inaasahang mas marami pang pasabog sa darating na mga taon ang Tambayan 101.9 lalo pa’t patuloy itong tinatangkilik ng sambayanan.

“Unang taon pa lang ito, and we will continue to give our audience the entertainment they look for, hindi lang sa radyo, kundi pati na rin sa internet at sa telebisyon. Marami pang aabangan mula sa Tambayan ng mga Pinoy, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo," sabi ni Eli Bruce Capuyan, station manager ng Tambayan 101.9.

At para i-celebrate ang first anniversary ng Tambayan 101.9, maki-party na sa ISA-YAW-MO! The Tambayan 101.9 Birthday Party ngayong Biyernes (Nov. 26), 6:00 p.m., sa Quezon City Memorial Circle covered basketball courts.

Sumama na sa malawakang eyeball ng mga tambayers kasama sina Laarni Lozada, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Miguel Mendoza, Mark Bautista, Mickey Perz, Saicy Aguila, Marvin Ong at marami pang iba.

 

vuukle comment

ARNOLD REI

BIRTHDAY PARTY

CARLO SANTINO

CHINA HEART

ELI BRUCE CAPUYAN

JACK MELO

LAARNI LOZADA

TAMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with