MANILA, Philippines - Hindi muna matutuloy ang gagawing Christmas Special ni Charice sa GMA 7. Ito ay matapos maglabasan ang issue na sa Kapuso magpa-Pasko ang international singer na nagsimula sa Kapamilya Network.
Kahapon, may official statement ang Kapuso Network tungkol dito.
“GMA Network today received an official statement from Ms. Grace Mendoza, manager of Charice Pempengco on the postponement of the singing star’s television performances and commitments in the Philippines.
“Filipino singing star Charice will not be returning to her homeland this weekend for several previously announced tv performances and appearances. The singer, according to her physician, is “suffering from dehydration caused by a recent stomach flu.”
“I want to apologize for disappointing my fans and supporters in the Philippines but I have been advised by my doctor to rest for the next couple of days,” sabi ni Charice sa ipinadalang statement ng GMA 7.
“GMA Network regrets not being able to do the planned Christmas special with Charice at this time but understands that her well being is first and foremost.
“The Network on the other hand is glad to announce to all her fans and followers that Charice has committed to do a TV Special with the Kapuso Network as soon as she is able to come home.”
Hmmm, hindi kaya nagsasakit-sakitan lang si Charice dahil baka kino-question siya ng ABS-CBN na sa kalabang network siya magkakaroon ng Christmas special samantalang sa Dos naman talaga siya nag-umpisa?
* * *
Timing ang issue na kinasangkutan ni Carol Banawa sa kanyang pagbalik sa bansa. At least, nagkaroon ng awareness ang mga tao na nagbalik ‘Pinas siya, ang boses na nagpakilig sa mga hopeless romantics at music lovers noon dahil matapos ang kanyang mahabang pamamahinga sa music scene, may bgong album siya ang My Music, My Life mula sa Star Records.
“Ako ‘yung nag-suggest kay Ms. Annabelle (Regalado-Borja) na gumawa ng album. Na-miss ko kasi talaga ang kumanta,” kuwento ni Carol. “Since nag-visit din naman ako sa family ko rito, the idea of making an album ulit popped into my head.”
May konseptong paglalahad sa ilan sa mga precious moments sa buhay ni Carol, ang album ay naglalaman ng sampung makahulugang cuts at dalawang bonus tracks : Baby, Now That I have You, Everyday, When You Say Nothing At All, If, I Honestly Love You, Sakaling Malimutan Ka, Love Story, The First Time I Loved Forever, When I Fall In Love, at Mahal Kita Walang Iba.
Ang theme song ng hit movie ng Star Cinema, ang Till My Heartaches End at ang bersiyon ng When I Fall In Love tampok si Piolo Pascual ay kasama rin sa audio CD.
Ang mga pahina ng nasabing album ay nagbabahagi ng personal quotes mula kay Carol mismo.
“The songs included in the track list are connected with my personal experiences kaya parang diary ko na rin siya,” kuwento pa ng singer.
Isa sa mga quotes ni Carol para sa awiting Mahal Kita Walang Iba ay “When I met my husband, sabi ko sa sarili ko, eto na naman ako, iibig na naman, but love is a risk. When we allow ourselves to become vulnerable, to take chances and to risk our pride, that is when we find great love.”
Ang My Music, My Life ay line produced ng Black Bird Music na pinangungunahan ni Aiza Seguerra. Ito ay sub-label ng Star Records. Si Carol ang unang singer na hinawakan ng nasabing sub-label.
Tumigil si Carol sa pagsabak sa Philippine music scene noong August 2003 para samahan ang kanyang may sakit na ama. Ngunit, ang mga hits nito tulad ng Tanging Yaman, Stay, Iingatan Ka, Bakit ‘Di Totohanin, at Panunumpa ay madalas pa rin nating naririnig sa maraming radio stations.
Sa kasalukuyan, kasama ni Carol ang kanyang tatlong taong gulang na anak na si Chelsea na katulad niya ay magaling ding kumanta.
Sa katunayan, sa kagaganap lamang na show ni Carol sa Vivere Hotel, kung saan namamalagi ang mag-ina, kumanta ng Telephone sina Carol at Chelsea ng Acapella na ikinatuwa siyempre ng mga nanood.
Available na ang My Music, My Life sa lahat ng records bars nationwide.