TRUE : Ayaw na sanang patulan ni Sen. Bong Revilla ang mga patutsada ni Hayden Kho, pero nagbigay na rin ito ng statement dahil sa kakukulit sa kanya na mag-react sa huling pahayag ng kontrobersiyal na doktor na “narrow-minded” siya (Senador Bong).
Bahagi ng statement ng mambabatas : “Magpakalalake siya at harapin ang mga kaso niya, na siya naman ang may kagagawan, in the first place? Hindi dapat siya nagtuturo at nagpapasa ng sisi sa ibang tao dahil sa pagkatanggal ng lisensiya niya at sa patuloy na pagdinig ng kasong kriminal na inihain laban sa kanya.
“Makitid talaga ang isip ko, pagdating sa tama o mali. At ang kakitiran ng pag-iisip ay depende na, kung hanggang saan ang kakitiran mo. Mali ang ginawa niya at nagdudusa siya ngayon, bakit ako pa ang makitid ang ulo?”
At may ilan palang grupo ng mga kababaihan ang gustong ikampanyang huwag tangkilikin ang produktong ini-endorso ni Hayden.
Ang lumalabas kasi ngayon, nagiging protagonist na ang dating kinikilalang antogonist sa publiko, dahil sa ginawa nitong kabastusan sa ilang mga kababaihang na pinagpiyestahan ng publiko ang video.
TANONG : Hindi na nga ba matutuloy ang Christmas special na gagawin ni Charice Pempengco sa GMA 7?
Dapat ay bukas na ang taping nito sa GMA 7 pero hindi raw muna ito matutuloy dahil sa maysakit pa ang batang singer.
(May additional na story sa pahina 13)
TOTOO KAYANG nagka-dengue si Sam Milby at nasa hospital pa raw ito?
Pinag-usapan ito sa Tweetbiz kagabi at pabalik-balik nga raw ang lagnat ng guwapong aktor kaya nagpa-confine na ito dahil baka may dengue nga ito.
Mga symptoms ng may dengue ang naramdaman nito kaya mabuting nasa hospital na siya.
Kagabi rin ay nag-text ang isang kaibigan ni Sam na si Say Alonzo para ibalitang okay na raw ang aktor at kalalabas lang daw ng hospital.
Bahagi ng kanyang text :“Kaka-release lang niya sa Medical City, pero doctors advised him to rest for three days kaso lang may concert siya sa Bohol sa Saturday.
“Naging mababa daw ‘yung CBC niya166 which is not normal kaya they had to keep him sa hospital for a couple of days.”
TSIKA LANG : Halatang excited na ang mga kabadingan na masilayan ang kakisigan ng 29 official candidates ng Search of The Hotmen na magkakaroon na ng finals sa Linggo sa Metrobar.
Katatapos lang ng pre-pageant at press presentation at nag-enjoy ang mga movie press at ilang movie and TV personalities na nag-judge.
Sa mga interesadong manood, magsadya lang sa Metrobar ng maaga para makabili ng tickets na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Kakaibang search ito na kung saan walong winners ang pipiliin para mabuo ang sexy all-male group na The Hotmen.
Hatid ito ng GRAMM Entertainment Productions sa tulong ng Flawless, Walker, CHU Productions, Circle of Friends, The Room, Armando Fabia at si Mr. Boy Abunda.