MANILA, Philippines - Salamat sa OraCare, kumpiyansa si Chris Tiu sa loob at labas ng basketball court.
Magmula nang siya ay sumikat dahil sa kanyang matipunong hitsura at kahusayan bilang manlalaro ng Ateneo Blue Eagles, ang kanyang career bilang atleta (sa Smart Gilas Team) at artista ay namayagpag. At dahil parati siyang pinagkakaguluhan, ang oral hygiene ay prayoridad ng isang katulad niya.
“Lagi akong conscious sa amoy ng hininga ko dahil marami akong nakakasama at nakakausap. Importante sa akin ang fresh breath, dahil sinasalamin nito ang kalinisan ng isang tao, at maging ang kabuuang kalusugan niya. Kaya araw-araw akong nagsisipilyo, gumagamit ng floss at nagmumumog ng OraCare Mouthrinse,” sabi ni Chris.
Ang OraCare ay may Stabilized Chlorine Dioxide formulation na pumupuksa ng mga mikrobyo na siyang nagdudulot ng bad breath. Bukod dito, banayad ang lasa ng OraCare Mouthrinse dahil wala itong halong alkohol. Dahil walang halong alkohol, ang OraCare Mouthrinse ay ‘di nagdudulot ng anumang masakit, mahapdi o nakakapasong pakiramdam sa bibig. Hindi rin ito nag-iiwan ng aftertaste, o matapang na lasa sa bibig.
Dagdag pa ni Chris, patok sa kanya ang OraCare Mouthrinse dahil nabibili ito sa maliit na bote na madaling isiksik sa bag.
“Mas madali siyang dalhin at mas madali ring gamitin – hindi na kailangang ihalo pa sa tubig para mabawasan ang tapang. Nakakatulong din siya sa mga panahong hindi sapat ang pagsisipilyo lang para malinis at mapabango ang aking hininga- halimbawa, tuwing kumakain ako ng mga pagkaing maraming bawang, sibuyas at iba pang pampalasa,” paliwanag niya.
“Kapag hindi ako gumamit ng mouthwash, parang naiilang at umiiwas akong makipag-usap sa mga tao. Siyempre, kailangan fresh breath ako kapag kausap ko ang mga tao nang malapitan, lalo na kapag nasa party,” sabi ni Chris.
Ang OraCare Mouthrinse (sa Regular at Cool flavors) at OraCare Toothpaste ay mabibili sa mga pangunahing supermarket at drugstores sa buong bansa.