MANILA, Philippines - Nag-uwi ang GMA Network at GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ng dalawang awards mula sa Philippine Quill Awards na ginanap noong November 15 sa Crowne Plaza Hotel sa Pasig City .
Napanalunan ng Network ang merit award para sa Kapuso: The GMA Story coffee table book, samantalang nag-uwi ng merit award ang GMAKF para sa 2009 Annual Report nito.
Tinanggap nina GMA Corporate Affairs consultant Carmencita Arce, editor/writer Krip Yuson, Executive Art Director Celso Divino at Art Director Antonio Abangan ang award para sa coffee table book. Si GMAKF EVP at COO Carmela Tiangco naman ang tumanggap ng award para sa Foundation kasama sina Executive Director Jeronimo Perez at Programs Development Manager Marivic Calixto.
Ang Philippine Quill Awards taunang ay iginagawad ng International Association of Business Communicators (IABC - Philippines ).