Kahit i-deny pa na hindi niya kailangan ng datung, komedyante may instant sugar mommy

Magmula nang umere ang Mara Clara, na­ging mga role models na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ng nga kabataan. Maski na ang kontrabidang si Julia (Clara) na walang ginawa kundi pahirapan si Kathryn (Mara) ay minamahal ng mga manonood. Naniniwala silang ang bait pareho ng dalawa at nakaka-relate sila sa kuwento ng buhay ng dalawa.

Alam n’yo ba na sa tunay na buhay ay pinapag-    aral ni Kathryn ang isang anak ng nagsisilbi sa kanyang pamilya? Patuloy naman si Julia sa pangangalaga sa kanyang inang hindi nakaririnig at nakapagsasalita.

Parang drama sa TV ano? Pero totoong buhay ito. Kaya naman love sila ng mga manonood. At patuloy ang suporta nila sa serye ng dalawa.

Good girls, sana nga, makakuha pa ng inspiras­yon sa inyo ang marami pang kabataang nawawalan na ng pag-asa sa buhay.

*    *    *

Sabi ko na nga ba, marami ang maririnig na hindi maganda tungkol sa ginawang pagpapakasal ni Ariel Villasanta (ng Ariel & Marverick tandem) kay Cristina Decena.

Si Cristina ’yung dating nakarelasyon ni Phillip Salvador na ang paghihiwalay ay naging isang mala­king kontrobersiya dahil umabot pa sila sa korte.

Kinukwestiyon ng marami ang pagpapakasal nilang dalawa at nakukuhang lahat ni Ariel ang hindi maga­gandang opinyon dahil kumuha lang daw siya ng sugar mommy. Eh hindi naman mas matanda sa kanya ang kanyang bride at lalong hindi niya kaila­ngan ang pera nito dahil lumaki siyang hindi naman kulang sa kabuhayan.

Oo nga naman, bakit hindi n’yo matanggap na puwedeng pag-ibig ang naging dahilan ng kanilang pagpapakasal? Huwag nating kalimutan na hindi lamang ang buhay ang mahiwaga kundi maging ang pag-ibig.

Balak ng dalawa na magkaroon ng wedding dito sa Pilipinas at para patunayan ang katapatan ng kanyang pag-ibig kay Cristina, pumayag si Ariel na pumirma sa isang pre-nuptial agreement.

*    *    *

Hindi idinagdag lang si Marvin Agustin sa cast ng Beauty Queen. Kasama na talaga siya maging sa pagpaplano pa lamang ng serye. Alam niya na ngayon lamang siya lalabas at ang panahong wala siya sa serye ay ginamit niya sa mahahalagang bagay, tulad ng pagdalo sa Brussels International Film Festival na kung saan ay naging isa siya sa mga hurado.

*    *    *

May nagrereklamo na nga ba na kay Rico J. Puno itinutuon ang pansin sa Pilipinas Win na Win gayung apat silang bumubuo ng Hitmakers na nagsisilbing host ng programa?

Hindi naman siguro. Kaya lang dahil very silent ang tatlo at si Rico lamang ang palaging nag-iingay at nagka-crack ng joke na minsan nga ay green joke pa, tinatanggap na itong bahagi ng programa as long as hindi ito nakakasira ng sensibilidad ng mga manonood.

May segment din ang kasamahan niyang sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison at Rey Valera at ina­abangan din ang pagkanta nila.

Si Rico lang ang nagsisilbing leader ng apat pero lahat sila mahalaga sa show.

Show comments