^

PSN Showbiz

Estudyanteng naputulan ng binti, puwedeng singer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May boses pala si Raissa Laurel, ang law student na naputol ang mga binti dahil sa granada na inihagis sa pagtatapos noon ng bar exams.

Live na umapir at kumanta kahapon si Raissa sa Party Pilipinas. Naki-jamming siya kina Ogie Alcasid at Rachelle Ann Go.

Nakakabilib si Raissa dahil sa kanyang positive attitude. Itutuloy niya ang pag-aaral ng law sa kabila ng kanyang kapansanan. Puwedeng i-nominate si Raissa sa CNN Hero of the Year sa 2011.

*    *    *

Na-sight si Dr. Hayden Kho, Jr. kahapon sa booth ng Hayden Perfume sa TriNoma.

Si Hayden ang personal na nagbabalot ng mga Hayden Perfume na binili ng mga customers.

Ganyan ka-passionate si Hayden sa kanyang bagong negosyo. Siya mismo ang nag-aasikaso sa kanyang mga kliyente.

*    *    *

Wala nang alalahanin si Mo Twister dahil wala na siyang temporary restraining order o TRO.

Ang ibig sabihin, free na siyang lumabas sa mga shows ng TV5.

Si Mo ang nagkuwento sa akin na wala na siyang TRO nang magkita kami sa dressing room ni Willie Revillame noong Friday.

Nag-file noon ng TRO ang GMA 7 laban kay Mo nang lumipat ito sa Kapatid Network.

*    *    *

From Phillip Salvador to Rey Malonzo to Ariel Villasanta of Ma­verick & Ariel.

’Yan ang drama ngayon sa buhay ng businesswoman na si Cristina Decena na palaging nali-link sa mga male celebrities.

Weakness yata talaga ni Tina ang mga mhin na mula sa showbiz.

             

vuukle comment

ARIEL VILLASANTA OF MA

CRISTINA DECENA

DR. HAYDEN KHO

FROM PHILLIP SALVADOR

HAYDEN PERFUME

HERO OF THE YEAR

KAPATID NETWORK

RAISSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with