Instant nega sa concert ni Aiai, Mega binastos si Aga

Marami palang na turn-off kay Megastar Sharon Cuneta sa concert ni AiAi delas Alas the other night. Kasi ba naman si Mega nag-nega as in nagtaray pa raw nang tanungin siya ni AiAi kung anong masasabi niya tungkol kay Aga Muhlach na nasa audience kasama ang misis niyang si Charlene Gonzales.

Kabilang kasi si Mega sa tatlong guest sa concert ni AiAi kasama sina Lea Salonga and Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last Friday night. Lahat silang tatlo, naging leading lady ni Aga sa pelikula.

Obviously, kaya nasa nasabing concert si Aga ay dahil partner siya ngayon ng comedy concert queen sa comedy show nila sa ABS-CBN na M3. 

Siyempre tinanong daw ni AiAi kung ano ang masasabi nina Lea, Regine at Sharon sa aktor. Nauna sina Lea at Regine. Puring-puri raw nina Lea at Regine ang mister ni Charlene. Aba nang si Sharon na raw ang tanungin, kasabi-sabi raw nito tungkol sa aktor kahit medyo nagbibiro : “Sino siya.” At may dagdag pa raw na nag-delete siya ng mga number ng ilang kaibigan at kasamang nabura ang number ni Enteng, tawag niya kay Aga na character ng aktor sa pinagsamahan nilang pelikula noon na Kung Ako Na Lang Sana.

Pero parang hindi raw napansin ni Mega na maraming nag-react ng nega sa audience nang sabihin niya ‘yun.

Hmmm, may galit ba si Mega kay Aga at ganun ang dialogue niya?

Dahil kaya ito sa hindi nila natuloy na project ni Aga noon sa Star Cinema?

Naalala ko nun na pinaplano silang pagsamahin uli pero hindi raw natuloy sa isang rason na off the record daw.

*    *    *

Siguradong mara­ming magbubunying mga ba­gets sa pagba­balik sa TV ng Batibot simula sa November 27.

Mahigit isang dekada na pala simula nang mamahinga ang Batibot pagkatapos ng 18 taon sa ere, ipagpapatuloy ngayon ng Batibot ang naiibang paraan ng pagtuturo sa mga bata sa bago nitong tahanan sa telebisyon, ang TV5.

Dadalhin ng programa ang mga bagong Batang Batibot sa mundo ng kwela at eskwela. Gagabayan din nito ang mga bata sa pamamagitan ng research-based developmentally-appropriate curricula na siyang huhubog sa kanilang paglaki.

Sina Kuya Fidel (Abner Delina) at Ate Maya (Kakki Teodoro) ang bagong makakasama ng mga bata sa pagtuklas ng mga mahahalagang konsepto at ideya.

Ibinabalik din ng most-awarded children’s show ang mga karakter na tumatak sa puso ng ilang henerasyon ng mga kabataan.

Gamit ang kanyang perlas na bilog, susubukan sagutin ni Manang Bola ang mahahalagang tanong ng mga bata.

Gagabayan naman ni Kapitan Basa ang mga nagsisimula pa lang bumasa sa makulay na mundo ng salita at kahulugan.

Ipakikilala rin sa modern-day kids ang iba’t ibang sining at makabagong paraan ng storytelling na mas sosyal na ngayon dahil gamit ang virtual set na ihahatid ng leading media production outfit na Unitel Productions.

 “We’re making sure that every show’s episode is relevant to what the kids need today. The show focuses on essential life skills that children need to learn as they grow in an increasingly complex and fast-changing world,” ayon kay Feny de los Angeles-Bautista, executive producer ng programa.

Maghahatid ng saya at karunungan ang Batibot tuwing Sabado, 8:30-9:00 ng umaga. Abangan din araw-araw ang 5-minute daily educational updates.

Show comments