Mga sorcera magpapaalam na
MANILA, Philippines - Ang labanan ng mga mabuti at masamang sorcera ng Ilumina ay magwawakas na ngayong gabi (Nov. 19) sa GMA 7.
Kaya’t magpapaalam na rin ang mga kinagiliwang puti at itim na sorcera sa pangunguna nina Romana (Rhian Ramos) at Krisanta (Jackie Rice).
Si Romana ang nakatakdang lider ng mga white sorcerers at ang kakambal namang si Krisanta ang para sa mga black sorcerers.
Nagpagitna sa istorya ng magkapatid ang pagpasok ng iisang lalaking natipuhan sa katauhan ni Iñigo (Aljur Abrenica).
Powerhouse cast din ang Ilumina dahil narito ang mga batikang artista na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Ara Mina, Jean Garcia, at Cesar Montano.
Sa huli, paano kaya tatalunin ni Romana si Elvira (Jean) matapos siyang pagalingin at bigyan ng bagong kapangyarihan ng mga ninunong sorcera na sina Hannah (Carla Abellana) at Efra (Bianca King)?
Paano tutulungan ni Iñigo (Aljur) si Romana samantalang isa siyang black sorcerer? Bukod sa ibang namatay na sorcera, mamamatay din ba si Frederico (Christopher)?
Abangan ang mga kaganapan sa huling gabi ng Ilumina.
- Latest