Hindi pala gaanong kinagat ng audience ang pagbabalik ni Noli de Castro sa TV Patrol ayon sa isang source. Ito raw ay base sa research ng ABS-CBN. Lumalabas daw na hindi masyadong nagkainteres ang tao sa pagbabalik ni Kabayan. Pero hindi ‘yun official statement ng Kapamilya Network. Isang source lang ang nag-tsismis ng nasabing survey.
Mas tinanggap daw ng maraming manonood ng TV Patrol si Korina Sanchez.
Kasalukuyang nadadamay ang pangalan ni dating bise presidente sa kontrobersiya ng Globe Asiatique. Hindi raw kasi masyadong magandang tingnan na nagbabalita siya habang siya ang laman ng balita sabi ng isang observer kaya siguro raw ‘yun ang lumabas sa research.
O baka naman bago pa lang siya sa TV Patrol at hindi pa masyadong matanggap ng mga tao kaya ganun.
* * *
Ang galing naman ni Marvin Agustin. Aba hindi lang siya effective na actor, effective restaurateur din siya ha. Last week kaka-open lang ng ikasampu niyang restaurant, ang Johnny Chow na matatagpuan sa New Port in Pasay. He described its menu na mix of Asian cuisines which he and his business associates enjoy during their Asian region travel.
Bukod sa mga pag-aaring restaurant, pinasok na rin niya ang real state business.
Big time di ba?
Anyway, kamakailan lang ay nadagdagan ang kanyang ever growing na listahan ng accomplishments matapos mag-judge sa 37th Brussels International Independent Film Festival na ginanap two weeks ago sa Belgium. Siya lang ang kauna-unahang Pinoy actor na umupo bilang part ng international panel of judges ng Brussels filmfest.
Sa kanyang mga naunang interview, sinabi ni Marvin na never na pumasok sa isip niya na magkakaroon siya ng privilege of representing his country sa nasabing prestigious indie filmfest.
Si direk Joel Lamangan ay umupo na ring juror sa Brussels filmfest. Pero siyempre direktor naman si Lamangan.
Sa kasalukuyan, napapanood si Marvin sa Beauty Queen na coincidentally ay dinidirek siya ni Lamangan.