Perfect lover: Babaeng may katawang plastic

MANILA, Philippines - Saan nga ba mata­tag­puan ang tunay na pag-ibig? Puwede ba itong matagpuan sa isang nilalang na pro­duk­­­­to ng sensiya na ang nagmamaneobra ay isang computer lamang?

Sa pelikulang The Wo­­man Every Man Wants... Perfect Lover, sinubukan ng isang plastic designer na nabubuhay sa modernong panahon na maghanap ng isang babaeng puwedeng punan ang kanyang pangangailangan at sundin ang lahat ng kanyang iuutos lalo na sa aspetong sekswal.

Nagtagumpay naman siya at napasakamay ang isang nilalang na nakaprograma sa isang computer ang ba­wat galaw at ito ay isang babaeng kala­ha­ting tao at kalaha­ti ay plastic na kung ta­wa­gin ay humanoid.  

Nag-enjoy siya sa company ng huma­noid at unti-unti niyang na­raram­daman na nahuhulog na ang loob ni­ya rito. Natagpuan niya kaya sa humanoid ang tunay na pag-ibig? Puwede bang umibig ang isang normal sa isang walang damda­ming binuo lang ng ma­kabagong teknolohi­ya?  

Alamin at tuklasin sa romance-comedy movie ng taon na The Woman Every Man Wants.... Per­fect Lover na showing na sa Dec. 8 sa mga sinehan. Tampok dito si­na Ryan Hurst at Danie­la Lunkewitz.

Show comments