Hindi ang media, P-Noy si Kris Aquino ang dapat sisihin

Seen : Late si Pokwang sa presscon ng Super Inday noong Lunes ng gabi dahil nanggaling pa siya sa Baguio City.

Scene : Ipinagluluksa ng entertainment industry ang pagpanaw kahapon ng mada­ling-araw ng talent manager na si Wyngard Tracy. Matagal nang na-confine sa ospital si Wyngard dahil sa stroke.

Siya ang manager nina Richard Gomez, House Representative Lucy Torres, John Estrada at Wendell Ramos.

 Seen : Nag-sorry si Aiko Melendez sa kanyang Twitter account dahil napaaga ang kanyang tweet na namatay si Wyngard. Brain dead pa lamang si Wyngard nang i-tweet ni Aiko na sumakabilang-buhay ito.

Scene : Ngayong gabi ang concert promo tour ni David Archuleta sa SM Skydome para sa kanyang bagong album sa Sony Music.

Dumating kahapon sa Pilipinas si David.

Seen : Mga iPad ang pasalubong ni Congressman Manny Pacquiao sa kanyang mga anak. Babalik sa Pilipinas si Manny sa susunod na linggo.

SCENE : Ang kanyang kapatid na si Kris Aquino at hindi ang media ang dapat sisihin ni P-Noy sa pagkalat ng balita tungkol sa panliligaw niya kay Liz Uy.

Normal na pagpistahan ang lovelife ni P-Noy dahil siya ang pangulo ng Pilipinas.

 SEEN : Hindi convincing ang explanation ni Claire dela Fuente na walang bus strike noong Lunes.

Si Claire ang presidente ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association at itinutu­­ring na maimpluwensiya sa public transportation industry.

 SEEN : Ang official photo ni Lucho Santos Agoncillo na ipinamigay sa press ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.

Show comments