Nanay ni Tony Boy at Gretchen nagka-tensiyon nang magkita!
TRUE : Hindi pa kumbinsido si Annabelle Rama sa paghingi ng sorry ni Heart Evangelista sa kanya.
“Hindi ko naman napanood ’yung paghingi niya ng sorry. Sana ’yung pag-iyak niya talagang sincere siya dahil ako naman talaga ang nagpasikat sa kanya,” sagot ni Annabelle.
Hindi pa niya masasabi sa ngayon kung nakahanda na ba siyang makipag-ayos kay Heart at sa magulang nito.
TANONG : Nagkaroon daw ng tensiyon sa fashion show ni Inno Sotto na ginanap sa Cultural Center of the Philippines nung nakaraang Linggo dahil nagkasabay daw doon sina Gretchen Baretto at ina ni Tonyboy Cojuangco na si Mrs. Imelda Cojuangco?
Hindi pa rin nagkakabati ang dalawa at hindi talaga nagkaroon ng pagkakataong magharap sila dahil magkalayo ang kani-kanilang upuan.
TOTOO KAYANG hinuhulaan na ngayon pa lang ng mga malalapit na kaibigan nitong showbiz couple na hindi rin sila magtatagal dahil kung gaano ka-overacting ang kanilang pagka-sweet sa isa’t isa, ganundin ka-OA ang mga bayolenteng eksena kapag may away sila?
Sa location ng pelikulang ginagawa ng mag-asawang ito, nabibigla na lang daw ang ibang mga production staff at co-artists nila na biglang may mga nagliliparang lamp shades at ilang gamit. Iyon pala, may matinding away ang showbiz couple. Kaya naaantala ang shooting nila.
Pero pagkalipas ng ilang oras, parang wala nang nangyari at sweet na naman sila. Tuloy na naman ang shooting!
TSIKA LANG : Ini-launch ang bagong line ng relo ng Bench na ini-endorse ni Richard Gutierrez kamakalawa at proud na proud ang aktor dahil personal niyang pinili ang mga design ng mga nasabing relos ng Bench.
Sa naturang launch na ginanap sa The Establishment, napapangiti na ngayon si Richard kapag si Solenn Heussaff na ang itinatanong sa kanya.
Bukod sa Captain Barbell na maaaring pagsasamahan nila, posibleng makakasama rin ni Richard ang magandang Survivor castaway sa isang pelikulang gagawin nito sa Regal at GMA Films.
Hindi pa niya makumpirma sa ngayon dahil wala pa namang desisyon si Solenn kung talagang mag-aartista na nga ba siya.
Isa pa sa pinag-iisipang makaka-partner ni Richard sa gagawing pelikula ay si Marian Rivera at target na ipalabas sa Valentine’s Day.
- Latest