Happy and honored si Richard Gutierrez na siya ang first Bench endorser na naglabas ng watch line at ito’y ang Gutz watch na ini-launch sa The Establishment last Monday. Suportado si Richard ng kanyang pamilya at ibang talents ni Annabelle Rama at present din si Mr. Ben Chan at ibang taga-Bench.
Kuwento ni Richard, eight months inabot ang plano at paghahanda para sa Gutz watch at worth it ang mahabang panahon dahil maganda ang relos na sabi’y P9,000 ang presyo (hindi lang namin alam kung pare-pareho ang price). Katulong ang aktor sa design at manufacturing ng Gutz watch, kaya very proud sa kinalabasan.
Sabi ni Richard, gagamitin niya sa Captain Barbell at tiyak pati sa Valentine movie niya ang Gutz watch na water resistant at may rubber strap at stainless steel.
After Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa Captain Barbell at sa Valentine movie niya ang focus ni Richard and as of today, hindi na tuloy ang muling tambalan nila ni Marian Rivera at balik sa trilogy ang Valentine movie niya.
Kaya pala sabi ni Annabelle na four ang leading ladies ni Richard sa Valentine movie dahil trilogy nga at may isang episode na dalawa ang kanyang kapareha.
Samantala, sunud-sunod ang panalo ng documentary na Planet Philippines hosted by Richard. Nanalo ito sa New York Film Festival, nanalo rin last Saturday sa 24th PMPC Star Awards for TV at nominado sa best natural history of wildlife programme or docu-drama category ng 15th Asian TV Awards. Sa Dec. 9 malalaman kung muling mag-uuwi ng award si Richard.
Binisita namin ang website ng Asian TV Awards, pero wala pang naka-post na ibang nominees, kaya hindi namin alam ang nominated na mga shows ng ibang TV station. Ang nakuha lang namin ay ang nominated na shows/actors ng GMA 7.
Muling nominated na best comedy performance by an actor si Michael V. for Pepito Manaloto. Nominado ang Bubble Gang sa best comedy program, ang 24 Oras sa best news program, ang Reporter’s Notebook sa best current affairs. Nominated din si Dingdong Dantes sa best actor in a drama performance para sa Stairway to Heaven at actors from Taiwan, China, and Malaysia ang makakalaban niya.