Bukod kay Dingdong Dantes, ang girlfriend niyang si Marian Rivera ang tuwang-tuwa nang manalo siyang best drama actor sa katatapos na Star Awards for TV. Napakagandang follow up ito ng pagkakahirang sa kanya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang youth ambassador.
Siya rin ang pinaka-latest leading man ni Regine Velasquez. First time nilang magtatambal sa serye ng GMA 7 na I Heart You Pare.
“Wala akong dapat ika-insecure sa mga magagandang pangyayari na dumarating sa kanya. Kahit sabihin pang napag-iiwanan niya ako. Wala naman kaming competition at sa akin niya ibinibigay ang credit ng lahat ng ito. Dapat lang na maging masaya ako para sa kanya, dahil mahal ko siya.
“Maganda rin naman ang nangyayari sa career ko. After Endless Love, naging busy ako sa Super Inday. Malaking pelikula ito at pang-Metro Manila Film Festival ng Regal. Early next year, may gagawin akong epic serye sa GMA. Nagpapa-audition na ang network ng magiging leading man ko. Athough mas masaya kapag kaming dalawa ni Dingdong ang magkasama, pero hindi naman healthy sa aming career kung kami na lang ang magkapareha palagi,” sabi ng isa na marahil sa pinakamagagandang mukha sa local showbiz.
Funny, but nakaka-enjoy ’yung kasiglahan ni Marian ngayon. Wala akong makita ni munti mang bakas ng kamalditahan na ikinukulapol nila sa kanyang katauhan. Masaya siyang nakipaghuntahan sa amin habang ini-enjoy ang kanyang dinner.
Malakas siyang kumain ha! Parang wala siyang takot na baka tumaba siya at masira ang maganda niyang figure.
Nabanggit din niyang wala na siyang panahon na makapag-handa para sa Pasko.
“Buti na lang masaya ang pamilya ko. Madalas ang communication namin ng dad ko. (He is in Spain). Once a week, I meet with my mom and lola. Wala na talaga akong mahihiling pa. ’Yung pressure na ibinibigay ng Super Inday ay expected ko na dahil it will compete against several films na talagang pinaghahandaan, ginagastusan dahil pang-festival. In the past naman, lahat ng ginawa kong pang-filmfest nasa Top 3.
“I’m glad wala akong death threats na natatanggap. Never naman akong naapektuhan ng mga negative write ups na lumalabas tungkol sa akin. Ang mga fans ang nagri-react. Masaya naman kasi kami ni Dingdong. Matagal na kaming hindi nagkakatampuhan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga nagsasabing hiwalay na kami. Walang dahilan para kami mag-away, love-love lang talaga.
“Sa totoo lang, nakakarindi na. Minsan sinasabihan ko na si Dingdong na magbakla na lang at magto-tomboy na lang ako para wala ng isyu,” pagbibiro ng sexy heroine.
* * *
Sino kaya ang magdadala ng concert na pagsasamahan nina Martin Nievera at Sarah Geronimo? Slated ito for Valentine’s in 2011. Pareho namang tinatao ang mga concerts ng dalawa kaya madali nilang mapupuno ang venue na pagdarausan kung sakali.
Ang parang magsisilbing problema ay kung ano ang magsisilbing tema ng konsiyerto, ang old standards ba ni Martin o ang mga pop songs ni Sarah? Kahit pareho silang versatile, ang tema ay depende sa kung sino sa dalawa ang magdadala ng mas maraming manonood, ang katulad ko bang middle aged na mahilig sa kanta ni Martin o ang mga bagets na suporta ni Sarah? Abangan na lang natin.