Patrol ng Pilipino may pasabog tungkol sa Mt. Bulusan at Maguindanao massacre

MANILA, Philippines - Dalawang malalaking balita ang bumulaga sa bansa sa nakaraang linggo -- ang posibleng pagsabog ng Bulkang Bulusan at ang pagsulpot ng bagong testigo sa Maguindanao Massacre.

Naroon mismo sa Sorsogon ang ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy upang subaybayan ang aktibidad ng bulkan at ang paglilikas sa mga residente. Pina­ngangambahan na sa patuloy na pagbuga nito ng abo ay su­mabog ang bulkan at mas maraming tao pa ang maaapektuhan.

Isang taon naman makalipas ang malagim na masaker sa Maguindanao, babalikan ni Jorge Cariño ang bayang ito upang kumustahin ang lagay ng pamilya Ampatuan at Mangudadatu na nasa gitna ng lahat ng ito.

Sa paglitaw ng bagong testigo sa krimen, paano kaya nito naapektuhan ang pagdinig sa kaso?

Sa likod ng mga kaganapang ito, naroon mismo sina Jeff Canoy at Jorge Cariño upang tuklasin ang katotohanan sa bawat pangyayari. Samahan sila sa paglahad ng buong kuwento ngayong Martes (Nov 16) sa Patrol ng Pilipino pagkatapos ng Bandila.

Show comments