Ang Susi ng Tagumpay sa The 700 Club Asia

MANILA, Philippines - Palagi ka na lang bang napagsasaraduhan ng pin­to: mga nawalang oportunidad? Mga mithiing ang hirap abutin? Mga imposibleng pangarap?

Simula noong Nobyembre 15, tuklasin mo kung papaano mabubuksan ang mga pintong ito sa Susi ng Tagumpay ng The 700 Club Asia. Sa loob ng limang gabi, tampok sa live TV event na ito ang mga kuwento ng mga indibidwal na nakaranas ng tagumpay at milagro sa kanilang mga pamilya, trabaho, pera, at kalusugan.

Ihahatid ni Peter Kairuz at Coney Reyes, kasama ang mga guest celebrity at mga kaabang-abang na patotoo. Maaari mo na ring maabot ang hinaha­nap-hanap mong tagumpay!

‘Wag palampasin ang Susi ng Tagumpay, mula Nobyembre 15 hanggang 19, alas-11 ng gabi sa Q at sa live webcast ng www.cbnasia.org.

Show comments