^

PSN Showbiz

Pinatitigil sa kasasalita sa media pamilya ni Angel may death threat na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sobrang apektado si Angel Locsin sa karumaldumal na pagkamatay ng kanyang pamangking si Rachel Sansan ng Cebu. Primary suspect ay ang asawa nitong si Fernando Sansan na nawawala na rin.

Ngayon, pati buhay ng pamilya ay apektado at ayon sa aktres, may death threat pa silang natatanggap.

‘‘Kapag hindi raw kami tumigil sa kasasalita sa media ay may gagawin siya sa amin. Hindi ako natatakot dahil alam kong mahuhuli ka rin,’’ matapang na sabi ni Angel para sa suspek ng pagpatay ng kanyang pamangkin.

Napaiyak ito nang malamang ang biktima ay binugbog, pinutulan ng mga daliri, at pinagtataga gamit ang jungle bolo. Hinahamon ng aktres ang suspek na lumantad na. May gantimpalang ibibigay sa sinumang makakapagturo sa suspek.

Gayunpaman, propesyonal pa rin si Angel dahil sa kabila ng pamimighati ay tuloy pa rin ang taping nito at commercial shoot sa ibang bansa.

Raymart pabor sa kapilyuhan ng anak

Lumalaking guwapo si Santino at kuwento ng amang si Raymart Santiago, may kapilyuhan ang bata. Pero pabor ang aktor kung makikipagsuntukan ang anak sakaling mapaaway sa eskuwela.

Mana pala kay Raymart si Santino dahil noong bata pa ito ay lagi ring napapaaway at malimit na ipatawag ang mga magulang ng principal.

Bianca payag sa ibang character

Nilinaw ni Bianca Manalo na bida ng Juanita Banana na hindi naman totoo na maraming naiinggit sa kanya dahil nabigyan agad ng malaking break para maging bida.

Payag namang lumabas sa character role si Bianca at kahit malinya pa bilang kontrabida ay okay lang sa kanya basta’t mapatunayan lang ang pagi­ging versatile actress niya.

Famas nagpaliwanag

Sa rami ng mga award-giving bodies ay naiiba pa rin ang FAMAS, ayon sa pangulong si Angelo Padua. Sa kabila ng ibang negatibong isyu na ipinupukol dito ay orihinal pa rin ang FAMAS kaya nga kapag may dramang ini-emote ang isang tao ay sinasabing ‘‘pang-FAMAS ang acting mo.’’

Diin pa ni Eloy na ang FAMAS tro­phy ay pinaka-prestigious na award na kumakatawan sa husay ng performance na nai-deliver ng isang artista.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELO PADUA

BIANCA

BIANCA MANALO

FERNANDO SANSAN

JUANITA BANANA

RACHEL SANSAN

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with