P-NOY nairita sa issue ng kasal nila ni Liz

MANILA, Philippines –  Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Presidente Noynoy Aquino III tungkol sa kumakalat na balitang nag-uugnay sa kanya sa personal stylist na si Liz Uy. Umamin na ang pangulo na nasa dating stage silang dalawa.

Ayon sa abscbn.com, nakapanayam ang binatang pinuno ng bansa ng ilang reporters sa 18th APEC Leaders’ Meeting na ginaganap sa Yokohama, Japan at sinabi nitong walang masama kung lumabas sila paminsan-minsan ng kanyang stylist.

“We have been spending time together as our schedules would permit, but I guess, at this point in time, that is the extent of it,” sabi ng 50-year-old president.

Natanong din kay P-Noy kung isa na ba itong panliligaw sa bente otso anyos na dalaga. Ipinahayag ng pangulo na katatapos lamang niya sa isang engagement. “And the schedules on both sides are such that it’s difficult to find common time, and especially when you are not given private time,” sagot ni P-Noy.

Nagpapatunay na kumpirmadong si Valenzuela Councilor Shalani Soledad ang tinutukoy at tapos na nga ang relasyon nila kahit wala silang naunang pahayag tungkol dito.

Tungkol naman sa napabalitang pagpapakasal na umano nina P-Noy at Liz sa isang taon, medyo halatang nairita ang pangulo dahil sa maraming butas na lumabas sa mga bali-balita, kabilang na ang mismong kaarawan niya.

“Nabasa ko, pati birthday ko’y hindi tama. Eh medyo public record naman po iyon ng pagkatagal-tagal,” sabi ni P-Noy.

Nagkomento rin si Pres. Noynoy sa sinabi Boy Abunda, malapit sa mga Aquino, na nakatakdang ianunsiyo ang sitwasyon nila ni Liz sa darating na mga araw.

“Well, hindi ko siya spokesman in this case,” mabilis nitong sagot.

Show comments