Pagi-LBM ni Pacman, hindi totoo!

Seen : Ang GMA 7 ang official network ng delayed telecast ng laban nga­yong umaga nina Congressman Manny Pacquiao at Antonio Margarito.

Scene : Hindi totoo ang tsismis na kumalat kahapon na hindi matutuloy ang laban nina Margarito at Pacquiao dahil may LBM ang Pambansang Kamao.

Seen : Ang mga miyembro ng Aquino family ang sinasabing source ng mga balita tungkol sa panliligaw ni P-Noy sa stylist nito na si Liz Uy.

Seen : Si Shawn Yao na ang anchor ng showbiz news segment ng Aksyon. Missing in action na ang sexy star na si Paloma.

Scene :   Nagkamali ang staff ng Dokumentado ng TV5 dahil Bilangin Ang Bituin Sa Langit ang pamagat ng pelikula ni Nora Aunor, hindi Bituing Walang Ningning. Ang Regal Films ang nag-produce ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit at ang Viva Films ang producer ng Bituing Walang Ningning.

Seen : Pinaglaruan si Melissa Ricks sa wig na ipinagamit sa kanya sa Valentina episode ng Wansapanataym na ipinalabas kagabi sa ABS-CBN.

Scene : Ang ABS-CBN ang unang TV network na nag-imbita sa kanilang Christmas party para sa entertainment press at gaganapin ito sa Dolphy Theater sa December 3. Kasabay ng Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press ang huling gabi sa telebisyon ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

                          

Show comments