Maja inayawan agad ni Mateo
Bagaman at wala pang pag-amin kaninuman kina P-Noy at ang stylist niyang si Liz Uy sa lumalabas na balitang nakatakda silang magpakasal sa buwan ng Oktubre ng susunod na taon, wala rin namang denials na may relasyon sila.
Ang itinanggi lamang ng sinasabing prospective bride ay ang isyu rin sa kasal pero hindi ang hinihinalang pagkakaroon nila ng ugnayan ng Pangulo.
Sinabi rin nito na hindi siya isang artsita at ang anumang bagay na may kinalaman sa kanya ay itinuturing niyang isang pribadong bagay para pag-usapan sa telebisyon. Itinanggi rin ng Malacañang na wala itong alam tungkol sa napapabalitang kasalan.
Hinihintay ng lahat ang sasabihin ni P-Noy tungkol dito, maging ang kanyang mga kapatid ay inuulan ng tanong tungkol sa estado ng kanilang binatang kapatid. Nakita’t nakausap si Balsy Aquino Cruz sa pagdiriwang ng kaarawan ni Bise Presidente Jejomar Binay at hindi napigilan ang press na hingan siya ng impormasyon tungkol sa Pangulo. Bagaman at nagulat din ito sa sinasabing kasal ng kanyang kapatid, sinabi nito na wala pa siyang alam. “Ang alam ko, may iba pang babae na inilalabas si P-Noy,” tanging nasabi niya.
Samantala, dahil sa isyu, unti-unti nang nakikilala ng publiko ang babaeng maaaring maging First Lady ng bansa in the future. Isa marahil itong paraan para unti-unti siyang makilala, lalo na nung mga hindi pumapabor sa kanya na maging residente rin ng Malacañang.
Ang maganda sa mga Pilipino, they are beginning to give her the benefit of the doubt. Baka nga naman siya nga ang mapili ng Pangulo, ngayon pa lamang pag-aaralan na nila siyang magustuhan.
* * *
Ang dali namang magkaroon ng change of heart ni Mateo Guidicelli. Hindi pa man humuhupa ang kilig na nilikha ng pagbibigay niya ng isang kahong coated peanuts kay Maja Salvador na inaasahan ng lahat na magsisimula ng isang magandang kuwento ng pag-ibig sa kanilang dalawa, heto at may nababalitaan nang idini-date siyang isang non-showbiz girl.
Nagduda kaya siyang mabibigo sa dalaga o talagang ang pagreregalo sa aktres ay isang gesture of kindness lamang, isang pasasalamat sa naging magandang pagtatrabaho nila.
* * *
Pagkatapos ng kanyang pamamahinga dahil na rin sa kanyang pagbubuntis at matapos makapagsilang ng kanyang anak, binalikan ni Roxanne Guinoo ang kanyang pag-aartista via an episode sa Maalaala Mo Kaya na kung saan makakasama niya ang award-winning actor at direktor na si Albert Martinez.
Ginagampanan niya ang role ng isang madrasta sa mga anak ng asawa niya na halos kasing-tanda niya.
Kasama pa rin sina Malou de Guzman, William Lorenzo, Nikki Bacolod, Martin del Rosario at Angeli Gonzales.
* * *
While watching two past episodes of Britain Got Talents on the internet, I came across a lady judge na madalas napapaiyak ng mga contestants. Sabi ng anak kong lalaki na kasama kong nanonood at siyang may knowledge sa internet, ito raw ‘yung ginagaya ni Kris Aquino sa pag-iyak when she sat sa board of judges ng Pilipinas Got Talent.
Sabi ko, hindi naman siguro dahil ako rin na nanonood ay napaiyak when I saw six year old Connie Talbot na kumanta sa nasabing talent show ng Somewhere Over the Rainbow. Obviously, sa gulang niya mas maraming mas magaling na talent sa kanya pero ang nakakaiyak, she’s only 6, raw pa ang talent, walang ka-effort effort, wala ni munti mang nerbiyos pero malinaw ang lyrics ng kinakanta niya at hindi sumasablay ang tono niya. Samantalang ang grand winner na si Paul Potts, definitely ay masyadong polished at talagang magaling. Magiging unfair kung tinalo siya ng napaka-popular na si Connie.
I cried dahil sa audition ni Paul, inismiran siya, inismol, pero natameme ang lahat when he started to sing. Nanggaling na at nakapag-perform na rito sa ating bansa si Paul Potts.
Ganito rin ang naging pagtanggap ng lahat sa isa pang kalahok sa BGT, ang 47 year old na si Susan Boyle na nilait maging ng mga hurado bago nila ito binigyan ng standing ovation matapos na siya ay kumanta.
I also saw the audition of Jovit Baldivino sa Pilipinas Got Talent. Walang iba pang karapat-dapat na manalo kundi siya. Siya ang may pinaka-powerful na boses bagaman at kinokontra ako ng anak ko sa pagsasabing iisa ang tipo ng kinakanta nito. Hindi raw versatile si Jovit.
Come to think of it, kelan kaya ang Season 2 ng PGT?
- Latest