Na-inspire yata ang GMA 7 sa napakagaling na performance ni Robert Arevalo sa Magkaribal kung kaya, si Tirso Cruz III naman ang pagaganapin nila ng isang gay role sa bagong serye ni Regine Velasquez. Katulad ni Robert, I’m sure Pip will do his job with flying colors. Ganun kagagaling ang ating mga senior stars na kahit bakla ang mga roles at walang masyadong movements ng kamay at katawan, pero may mababakas kang kabaklaan.
Pero medyo matsa-challenge si Pip dahil magsusuot siya ng mga high heels, ‘yun nga lang closet queen yata siya sa series, guy during the day and gay at night.
Tingnan nga natin kung gaano kahusay mapu-portray ni Pip ang kanyang role.
* * *
Bakit bigla, ang daming naglilitawang artista na naka-relasyon diumano ni P-Noy? Of course, hindi na sikreto ‘yung naging ugnayan nila nun ni Korina Sanchez, matagal bago pa naging sila ni Mar Roxas. Batid ito ng marami. Katunayan, marami nga ang naghinayang na hindi naging sila.
Pero ginulat ang marami sa naging pahayag ng dating taga-That’s Entertainment at dating dyowa ni Ace Espinosa na si Maricel Morales na nagkaroon din sila ng episode ng Pangulo. Hindi naman daw naging sila, pero nagparamdam daw ito sa kanya.
Ngayon, ang sexy starlet naman na si Barbara Milano ang lumitaw at nagpahayag ng kanyang paghanga sa magandang pagtanggap ng kapareho niyang konsehala (konsehala sa Nueva Ecija si Barbara) na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad ng kanyang break-up sa presidente.
* * *
Eh ano naman kung mag-claim ang mga networks na sila ang nangunguna sa ratings? Eh kung ito naman ang report sa kanila ng kinuha nilang mga researchers o taga-survey. Kanya-kanyang survey lang ‘yan. Nakakatuwa nga kung ang lahat ng network ay pinapanood, eh ‘di buhay lahat ng nagtatrabaho sa mga istasyon ng TV, ‘di lamang ang mga artista kundi maging ang nga simpleng manggagawa sa produksiyon.
Ako, naniniwala na wala sa pataasan ng ratings ayon sa survey ang labanan, nasa pagandahan ‘yan ng programa.
Sabihin mo mang nasa top position ang network mo pero mas maraming magagandang programa ang napapanood sa mga kalabang istasyon, talo ka pa rin.
Hindi naman monopolisado ng iisang istasyon ang magagandang programa.
Again, wala sa ratings ang labanan, nasa pagandahan ng programa. Dito tayo maglaban-laban.
* * *
Sa mga fans ni Rocco Nacino, wala naman pala silang dapat ipag-alala, hindi naman pala ganun ka-grabe ang naging pinsala sa mga mata niya na tinamaan ng suntok ni Susuki sa isa sa mga eksenang bakbakan nila sa Koreana. Madaling gagaling ang blood clot niya sa tulong ng gamot.
Ngayon ibayong pag-iingat na ang gagawin niya tuwing may fight scenes siya.
Ordinaryo na ang mga ganitong aksidente sa shooting o taping. Walang dapat ikagalit si Rocco sa nangyari sa kanya. Sa mga susunod niyang eksena, matatantiya na nila ang routine nila, kailangan lamang ng masusing pagsasanay at rehearsal bago sila sumabak sa eksena.