Dindong naisahan, Jake aligaga nang magkasakit si Marian

MANILA, Philippines - Hindi itinatago ni Jake Cuenca na atrracted siya sa ganda at alindog ni Marian Rivera lalo na noong sinu-shoot ang Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, Inc. na Super Inday. Kitang-kita ng staff and crew ng pelikula ang pagiging sweet ng aktor sa aktres na first time niyang nakatrabaho.

“Tuwing may shooting sina Marian at Jake, laging may dala itong pagkain sa aktres. Kung wala lang Dingdong Dantes si Marian, papasok sa utak ng nakakakita na nagkakamabutihan na ng loob ang dalawa, huh!

“Minsan nga raw, sumama ang katawan ni Marian sa shooting at tipong lalagnatin. Aba, to the rescue naman agad si Jake at binilhan ng gamot si Marian. Ganun katindi ang pag-aalaga ni Jake sa kanyang leading lady. No wonder, madaling magustuhan ng mga babae si Jake! Sarap siguro talaga niyang magmahal!” kuwento ng isang staff ng Super Inday.

Sa pelikula, si Jake ay si Amazing na meron ding super powers gaya ni Marian bilang Super Inday. Magtutulungan sila sa pagpuksa ng mga kasamaan at siyempre, magkakagustuhan! Balitang magkakaroon din sila ng kissing scene sa movie na tiyak na kakikiligan ng lahat!

Nasa cast din ng movie si John Lapus bilang Golden Bibe na magbibigay ng powers kay Marian. Makikilahok din sa pagpapakuwela ang komedyanang si Pokwang na lalabas bilang mayordoma sa simula pero magiging accidental super hero rin!

Ang Super Inday ang isa sa pinaka-favorite ni Mother Lily na Regal movie na unang pinagbidahan ni Maricel Soriano. Sa tulong ng anak na si Roselle Monteverde-Teo, ginawa nilang contemporary ang kuwento, nilahukan ng maraming special effects nang sa gayun, maakit ang mga bata at buong pamilya na panoorin ang movie sa araw ng Pasko.

Samantala, mabentang-mabenta talaga si Marian bilang super hero. Imagine, matapos mamayagpag sa telebisyon bilang Darna, heto’t isang super hero na naman ang role niya sa Super Inday.

Walang pakialam si Marian kung itambad man niya ang kanyang alindog sa bawat costume na kanyang sinusuot. Eh, sa Darna, two piece kung two piece ang suot at wala siyang keber kung dagsain ang taping niya ng kalalakihan. Kasi nga, pagdating sa kaseksihan, confident na confident ang young actress lalo na’t walang niretoke sa kanyang katawan!

So, nang ibigay sa kanya ni Mother Lily ang role ni Super Inday at super seksi rin ang pink niyang costume, walang tanggi  si Marian na isuot ito kahit na nga umaalug­-alog pa ang kanyang boobs sa ilang eksenang maaksiyon.“Kaya nga kay Marian ko ibinigay ang remake ng Super Inday. Never siyang nagreklamo sa costume na gamit niya sa shooting. I think Marian did justice sa role niya bilang Super Inday!” pagmamalaki ni Mother Lily.

Pangalawa, pagdating sa kutis, aba, flawless na flawless ang skin ni Marian, di ba? 

So, ang sarap-sarap niyang pagmasdan mula ulo hanggang paa!

Show comments