News anchor na pinagdamutan ng tiyahin, umasenso!

Tandang-tanda ko pa Salve A. na may offer noon ng GMA 7 News & Current affairs kay Julius Babao pero pinigilan ang mister ni Tintin Bersola-Babao ng Dos at binigyan siya ng ilang programa kasama na ang TV Patrol, XXX at ang pagku-co-anchor nila ng misis niyang si Tintin sa tele-radyo ng DZMM tuwing Sabado at Linggo ng umaga, ang Magandang Morning with Julius and Tintin.

Si Karen Davila naman, bukod sa TV Patrol dati ay meron din siyang The Correspondents at XXX na pareho ring nawala sa kanya.  Bago naging Kapamilya, si Karen ay dating Kapuso. Meron din siyang sariling programa sa ANC.

Siguradong marami pang mga pagbabago sa news programming ng ABS-CBN at ANC Channel ngayong hindi na nag-renew ng kanyang kontrata ang (dating) head na si Maria Ressa.

Halos isang taon ding naka-leave si Korina Sanchez sa kanyang pagiging radio and TV anchor pero masaya ang misis ni Sen. Mar Roxas dahil nakabalik ito sa kanyang kinasanayang trabaho.

* * *

Tinedyer pa lamang ang kilalang radio and TV anchor na si Anthony Taberna nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama kaya sa murang edad na 17 ay natuto na siyang maghanap-buhay para makatulong sa kanyang pamilya.

Hinding-hindi makakalimutan ni Anthony na may pa­layaw na Tonying nang lumuwas ng Maynila ang kan­yang butihing ina at umiiyak na  lumapit sa kanyang tiyahin para makahiram ng perang ipambili ng bigas. Umiyak si Tonying sa ginawa ng kanyang ina at na­ngako siya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat ng makakaya para makatulong at maiahon sa hirap ang kanyang ina at anim na kapatid.

Kapos man sa pera, pinagbuti ni Tonying ang kanyang pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya ng high school. Ang kanyang college education ay tinapos niya ng sampung taon sa halip na apat na taon dahil hinahati niya ang kanyang oras sa trabaho at pag-aaral. Ganunman katagal, nakapagtapos siya ng Masscom sa New Era University.

Sa elementary, high school at college ay kinakitaan na si Anthony sa pagiging matalino at matiyagang mag-aral kaya hindi kataka-taka na siya’y maging successful sa propesyong pinasok. 

Ang pagiging field reporter ng Radyo at TV Patrol ang naging daan ni Anthony para makilala nang husto ang kanyang husay sa pagre-report hanggang sa mabigyan siya ng break ng sarili niyang radio program with Gerry Baja and eventually sa telebisyon sa pamamagitan ng Umagang Kay Ganda at maging sa XXX. Meron din siyang ibang programa sa Studio 23.

May ilang beses na rin siyang inalok na pasukin ang pulitika pero ito’y kanyang tinatanggihan.

* * *

Alam mo, Salve A., may naaamoy kaming romansa sa pagitan nina Francine Prie­to at Bobby Yan na magkasama sa late-night radio program sa DZMM, 12:00 midnight hanggang 2:00 a.m., Monday thru Friday. Nang-bumisita si Francine sa Shinawaga cli­­nic sa Makati para mag-Genesis at Titan treatment, sumunod doon si Bobby at magkasama rin silang nag-dinner sa Toki Ja­p­anese res­taurant sa Bo­nifacio Glo­bal City. Kung ito’y totoo, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang single.

Show comments