Walang intro-intro, Kabayan at Korina diretso sa balita
MANILA, Philippines - Inayawan na ni Edu Manzano ang programa niyang Asar Talo, Lahat Panalo sa GMA 7.
Yup, you read it right.
Hindi nagustuhan ni Edu ang concept dahil hindi nasunod ang original na plano at pinag-usapan nila ng management ng Kapuso Network ayon sa isang super reliable source kaya hindi na raw nagti-taping si Edu sa nasabing programa.
Actually, true naman. Parang hindi panalo ang format ng nasabing programa. Hindi nakakaaliw ang asaran. Tapos hindi naman solo ni Edu dahil ang daming nakapaligid sa kanya.
No doubt ang galing niya sa pagho-host pero pag ang format ang problema, wala nga siyang laban.
Dagdag ng source, pinag-iisipan na raw kung papalitan na lang o aayusin ang nasabing programa ni Edu.
* * *
Hindi napataob ng hinhin ni Shalani Soledad ang mga bigating newscasters ng TV Patrol at 24 Oras noong Lunes ng gabi.
Pumangatlo lang ang programang pinasukan niya sa TV5, Willing Willie sa lahat ng survey na inilabas kahapon. Nanguna ang TV Patrol.
Noong Lunes, napanood na ng buong bayan ang pagsasama ng tatlong big time na brodkaster sa bansa - ang nagbabalik na sina Korina Sanchez at Noli de Castro kasama ang kapwa nila batikang news anchor na si Ted Failon sa TV Patrol.
Totoo, gumanda si Korina na hindi raw naitago ang saya sa pagbabalik niya sa ABS-CBN newsroom, kung saan siya nagsimula noong 1986.
Sa sorpresang pagsalubong na hinanda ng kanilang mga katrabaho, sinabi ni Korina : “Hindi namin inasahan na ganito pa rin kainit ang pagtanggap ninyo sa amin. Maraming salamat.”
Wala nang intro-intro ang tatlo. As if wala lang. Diretso sa maiinit na balita sina Kabayang Noli, Korina at Ted Failon.
Kuwento ni ABS-CBN Head for News and Current Affairs Ging Reyes, hindi naging mahirap na himukin ang dalawa (Korina at Kabayang Noli) pabalik ng TV Patrol.
“They are just returning to their first love. This is their true calling,” ani Reyes, na isa ring tunay na Kapamilya.
Pinalitan na rin si Phoemela Barranda ni Gretchen Pullido bilang showbiz news anchor ng TV Patrol.
- Latest