Award na napanalunan ni Krista mas bagay kay JayR

TRUE : Nagkaroon na ng pre-nuptial pictorial sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez at nang huli naming nakausap sa Party Pilipinas kamakalawa, tuwang-tuwa siya sa magandang kantang nilikha ni Jimmy Antiporda para sa kanilang kasal.

Been Waiting ang title nito na akmang-akma sa love story ng dalawa. Kinanta na ito ni Regine sa Party Pilipinas nung Linggo at tuwang-tuwa si Ogie dahil feel na feel ng mapapangasawa habang kinakanta ito kaya isipin n’yo na lang kung gaano ka-romantic ang kanilang kasalan na punung-puno ng kantahan sa Disyembre.

TANONG : Binati kaya ni Heart Evangelista si Annabelle Rama nung nakaraang kaarawan niya?

“I tried, pero siguro I’ll just give her space muna and mas okay siguro kung palamigin muna natin,” sagot sa amin ni Heart.

Aminado ang aktres na naapektuhan din siya kahit papaano at ilang beses din niya itong iniyakan pero ngayon ay okay na raw siya at nilinaw naman niyang mananatiling grateful daw siya sa lahat na itinulong ni Annabelle sa kanya.

Nagpapasalamat lang siya dahil back to work na siya ngayon at sisimulan na nito ang telefantasya niya sa GMA 7 na Dwarfina.

Nag-pictorial na siya kahapon kasama ang buong cast kaya excited na rin siya sa proyektong ito.

Naniniwala naman daw siyang in time ay magkakaayos din sila ni Annabelle at magkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

TOTOO KAYANG sa pagbabalik daw ni Alfred Vargas mula Italy ngayong linggo ay may malaking balita itong isi-share sa atin?

Matagal-tagal din ang bakasyon ni Alfred sa Italy na kung saan nakasama niya roon ang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu.

May magandang announcement daw siya na gusto na niyang i-share sa kanyang mga supporters.

Sa pagbabalik ni Alfred ng bansa, magri-resume na rin ang trabaho niya bilang konsehal ng Quezon City pero gustung-gusto na raw niyang magpaka-active uli sa showbiz at sana nga meron na raw maibigay ang GMA 7 sa kanya.

TSIKA LANG : Hindi man nasungkit ni Krista Kleiner ang Ms. International title o kahit runner-up man lang, hindi maitatangging napansin siya at isa sa naging paborito.

Nakuha naman ni Krista ang special award na Ms. Talent at Ms. Expressive. Hindi lang namin ma-get kung ano ang ibig sabihin ng special award na iyun pero, deserving si Krista na siya ang nanalo sa talent portion dahil talagang pinaghirapan niya ang nasabing presentation at malaki ang naitulong ni JayR sa number niyang iyun.

Sobra ang suporta ni JayR kay Krista dahil kahit nung wala pa siya sa China, araw-araw ay may bulaklak itong pinapadala na dumarating sa hotel room ni Krista para lang ma-express nito ang major major na pagmamahal niya sa dalaga.   

Hindi kaya si Jay R ang nararapat na bigyan ng Expressive award?

Show comments