Andi very starlet ang reaction

SEEN : Si Shalani Soledad ang itatapat ng TV5 sa pagbabalik ngayon nina Korina Sanchez at Noli de Castro sa TV Patrol.

SCENE : Ang maya’t maya na plugging ng GMA 7 sa 24 Oras na epekto ng pagbabalik-TV Patrol nina Noli at Korina.

SEEN : Si Katrina Paula ang bagong kliyente ni Atty. Raymund Palad, ang abogado ni Katrina Halili. Ka-level na ni Katrina H. si Katrina P.

SCENE : Ang hindi maikubli na excitement at very starlet reaction ni Andi Manzano nang i-deny niya na siya ang bagong girlfriend ni Jericho Rosales.

SEEN : Positive ang feedback sa may dignidad na pamamaalam ni Karen Davila sa TV Patrol noong Biyernes.

SCENE : Nagro-Robin Padilla ang acting ni JC de Vera sa My Driver Sweet Lover.

SEEN : Malayung-malayo na ang hitsura ni Jinkee Pacquiao sa twin sister niya sa kanyang Don’t Get Mad, Get Beautiful Belo Clinic Billboard.

SCENE : Maraming number two sa tweet nj Julius Babao na “God grant me d serenity 2 accept d things I can’t change d courage 2 change d things I can & d wisdom 2 know d difference.”

Pitong taon na naging anchor ng TV Patrol si Julius at nawala siya sa show dahil sa mga naganap na changes sa Channel 2.

     

    

Show comments